ANG magkasundo ang mag-inang Annabelle Rama at
Ruffa Gutierrez ang ipinagdarasal ng mga nagmamalasakit sa kanila.
Walang naniniwala sa balita na pinalayas ni Annabelle si Ruffa
at ang mga anak nito dahil mahal na mahal nila ni Eddie Gutierrez
ang kanilang anak at dalawang apo.
Kinumpirma ni Ricky Lo sa Startalk noong Sabado ang pag-alis ni
Ruffa at ng mga anak nito sa bahay nila sa Dasmariñas
Village noong Sabado.
Habang ipina-plug sa Startalk ang balita tungkol sa paglalayas ni
Ruffa,
nasa East Avenue Medical Center ito para sa event
ng Avon at kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.
Hindi napansin ng mga tao sa event na may personal na problema
si Ruffa ng mga oras na ‘yon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng tampuhan sina Annabelle
at Ruffa. Bago maaksidente si Richard Gutierrez noong May 22, 2009,
hindi na sila nag-uusap dahil hindi natutuwa si Annabelle sa mga
balita na nag-uugnay kina Ruffa at John Lloyd Cruz.
Nagkabati ang mag-ina dahil sa aksidente na nangyari kay Richard,
na natuwa nang makita nito na nagkasundo na ang kanyang ina
at kapatid.
Sa report ni Ricky, hindi nito pinangalanan si John Lloyd. Isang
insider ang nagkuwento sa amin na posibleng si John Lloyd ang pagtutuunan
ng galit, o gigiyerahin ni Annabelle dahil hindi mamatay-matay ang
balita tungkol sa special friendship nila ni Ruffa.
Birthday ni Ruffa sa June 24. Sa tuwing papalapit ang kanyang kaarawan,
nasasangkot siya sa malalaking kontrobersya at problema.
Ironically, pareho ng birthday sina Ruffa at John Lloyd.
***
Dalawang programa ng GMA 7 ang mag-uumpisa ngayon, ang Ngayon at
Kailanman at ang Adik Sa’Yo. Mga bida sa Ngayon at Kailanman
sina Heart Evangelista at JC De Vera.
May common denominator ang dalawa. Dalawang buwan na hindi
naging busy sa mga taping sina Heart at JC kaya nagkaroon sila ng
pagkakataon na magawa ang mga gusto nila.
Nag-enroll sa yoga at ballroom dancing class si Heart. Naranasan
niya ang normal na pamumuhay dahil siya mismo ang pumupunta sa supermarket
para sa kanyang food supplies.
Nagawa naman ni JC ang kanyang matagal na plano, ang magbakasyon
sa isang beach resort, makasama ang mga kaibigan na matagal nang
hindi nakikita at maka-bonding ang kanyang pamilya.
***
Tila may private joke sina JC at Dion Ignacio tungkol sa role nito
sa Ngayon at Kailanman. Si Dion ang gumaganap bilang kaibigan
ng karakter ni JC sa bagong sine novela ng GMA 7.
Sa recent promo guesting nila sa Startalk, pilit na tinanong ni
JC kay Dion ang pangalan ng aktor na gumanap bilang kaibigan
ni Richard Gomez sa movie version ng Ngayon at Kailanman.
Ang natatawa rin na sagot ni Dion, si Rustom Padilla aka Bebe Gandanghari.
May naramdaman na malisya ang televiewers sa private joke nina
JC at Dion pero kung anuman ‘yon, tanging sila lang ang nakakaalam.
***
Mapapanood sa TFC on-line ang complete coverage ng senate inquiry
at deve-lopments sa Hayden Kho Scandal. May poll ang TFC tungkol
sa reaksyon ng publiko sa pinakamalaking scandal ng 2009 ang,
What do you think of this controversy?
A. Shame on Hayden, your license should be revoked immediately!
B. We are all for Katrina Halili and the other victims, but
the government should focus on more important matters involving
the national economy, security and more.
C. I do not believe these videos are real.
D. The girls on the videos deserve it.
E. This is just a tool to get talked about.
F. Hayden is paying for his past wrongdoings right now at
G. My heart just goes out to the girls on the vi-deos.
|