|
Dear Dra Holmes:
Ask ko lang po, Dra. Holmes, kung may paraan ba para malaman ko ko kung nakikipagsex ang asawa ko sa ibang lalake? Matagal na akong OFW at may nagsasabi na madalas siyang makita na pumunta ng Motel kasama ang Amo niya.
Labis akong nasaktan at nung tanungin ko siya siya pa po ang galit at sabi niya ang dumi daw ng utak ko. Pero minsan po nahuli ko na ka chat niya ang amo niya at nung akmang sasagot na yung amo niya biglang nag sign out ang misis ko. Ano po sa palagay niyo? May relasyon po ba sila? Please help me at wag niyo na pong ilathala pakisagot nalang po sa email add k. Salamat. ~JESSE
Dear Jesse:
Maraming salamat sa sulat mo. Walang garantisadong paraan para malaman kung nakikipag sex ang asawa mo sa ibang lalake habang ikaw ay nasa ibang bansa. Hindi ito makikita sa kaniyang kilos o paglalakad; hindi rin ito mararamdaman sa kaniyang katawan.
Ang ibang OFW ay nag-hi-hire ng ng private detective para sundan ang asawa nila at patunayan na mayroon talagang ibang nobyo ito. Maraming mga private detective ay kumukuha pa ng mga letrato.
Pero kailangang nakakasi-gurado ka na ang private detective na puntahan mo ay may integridad (integrity). Mahalaga na pumunta ka sa isang professional para mapagtiwalaan mo siya talaga. Mayroon kasing private detective na minsan ay magtratrabaho nalang para sa asawa kung akala niyang mas malaki ang kikitaan niya doon.
Hindi ko sinasabi na lahat ng mga private detective ay hindi mapagtitiwalaan. Marami ay talagang mabait at may takot sa Diyos. Kaya lang, dahil nasa ibang bansa ka, mas mahirap para sa iyo i-monitor ang movements ng detective kaya mahalagang pumili ka ng may mataas ng sense of ethics.
At dahil pinag-uusapan na rin natin ang pagtiwala sa iba, nakakasigurado ka ba na ang nagkukuwento sa iyo tungkol sa pagmo-motel ng asawa mo at amo niya ay mapagkakatiwalaan?
Minsan kasi, may “ulterior motive” (mas malalim na motibo?) ang isang tao, kaya hindi buong katotohanan ang sinasabi sa OFW. Kadalasan ang motibong ito ay tungkol sa pera, pero hindi kailangan nay un lang ang dahilan. TO BE CONTINUED
Si Dra. Holmes ay sumusulat sa sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernse at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.
|