MONDAY, JUNE 07, 2010 ARCHIVES ABOUT US

SUPER LOTTO 6/49 DRAW
June 6, 2010

29-08-31-13-05-47
P75,103,502.40

2PM SUERTRES 3-7-7
5PM SUERTRES 6-1-8
9PM SUERTRES 9-1-7

EZ-2 2PM
03-09

EZ-2 5PM
25-19

EZ-2 9PM
07-14

 
OTHER PROVINCIAL STORIES
7 sugatan sa banggaan
(Noel Abuel)

Sugatan ang pito-katao matapos bumangga ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeep sa isang truck sa Bacolod City kamakalawa ng umaga.


Kinilala ang mga nasugatang biktima na isinugod sa Pablo O. Torre Memorial Hospital na sina Julie delos Reyes, 24-anyos ng Santa Clara, Subdivision, Jazel Altovar, 26, ng Brgy. Handumanan, at Angela Pango, 27, ng Brgy. 32, kapwa ng nasabing lungsod; Mae Joy Andreas, 16, Bernard Pat, 25, at Eric Gutierrez, 24, residente ng Talisay City, Neg­ros Occidental at jeepney driver na si Plemente Capistrano, 38, ng Brgy. Taloc, Bago City.


Sa inisyal na ulat ni PO3 Docelio Pachoro, traffic investigator, naganap ang aksidente dakong alas-siyete ng umaga sa panulukan ng B.S. Aquino Drive at Lacson St., Bacolod.


Sinasabing binabaybay ng nasabing jeep na may plakang FWB 561 at rutang Bata-Libertad patungo sa Lacson St., nang makasalubong nito ang isang Fuso truck na may plakang RJP 547 na pag-aari ng Miloros Corporation at minamaneho ni Al Dunlao, 28.


Ayon sa ulat, dahilan sa bilis ng takbo ay hindi na nagawa pang makapagpreno ng dalawang sasakyan kung saan tuluyang nagsalpukan, na nagresulta sa pagkasugat ng mga pasahero ng jeep.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
 
FOREX
US Dollar 46.3300
Bahrain Dinar 122.888
Euro 55.6748
HK Dollar 5.94661
Japan Yen 0.505234
Saudi Riyal 12.3570
S’pore Dollar 32.8046
Taiwan Dollar 1.42809
UAE Dirham 12.6137
UK Pound 66.9552
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section