MONDAY, JUNE 07, 2010 ARCHIVES ABOUT US

SUPER LOTTO 6/49 DRAW
June 6, 2010

29-08-31-13-05-47
P75,103,502.40

2PM SUERTRES 3-7-7
5PM SUERTRES 6-1-8
9PM SUERTRES 9-1-7

EZ-2 2PM
03-09

EZ-2 5PM
25-19

EZ-2 9PM
07-14

 
OPINION
May dapat pamarisan!
 

Kung meron mang dapat pamarisan o gawing idolo ang 169 midnight appointees ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ito’y walang iba kundi ang dating ma­nikurista nitong si Anita Carpon.


Hindi nga ba’t ang nasabing ‘personal manicurist’ ni Gloria ay in-appoint sa board ng Home Development Mutual Fund o Pag-Ibig? Sa halip namang sunggaban ang posisyon, tinanggihan nito ang kanyang appointment sa gobyerno.


Kunsabagay, nasa kanya-kanyang pananaw na rin ito ng mga sangkot na opisyal. Kumbaga’y sariling desisyon na nila ito at diskarte. Sila rin naman mismo ang nakakaalam kung sang-ayon o hindi sang-ayon sa batas ang kanilang appointments. Sila rin mismo ang nakakaalam kung matatawaran ang kanilang kakayahan at katapatan sa serbisyo-publiko.


Pero kung personal lang nila itong interes at mistulang pakikipagsapalaran lang, hindi ba’t dapat ay magkusa na lamang silang magbitiw sa tungkulin oras na umupo na ang bagong Pangulo, at hindi na dapat pang diktahan o pili­tin? Hindi pa ba sila sawa sa puwesto at hindi man lamang bigyan ng pagkakataon ang iba pang mas may kakayahan at puso sa bayan?


Kung ramdam ng mga midnight appointees na hindi sang-ayon sa batas ang kanilang appointment, makabubuting magpakatotoo na lang sila at tanggihan ang pagluklok sa kanila sa puwesto sa gobyerno? Dapat ay pairalin nila ang delicadeza o kahihiyan at tularan ang ginawa ni Carpon.


Ang isa pang nakakadismaya, sa halip namang pangaralan ang kanilang mga ‘sugo’ ay nanindigan pa ang Malacañang na hindi nila pupuwersahin ang kanilang mga appointees na magbitiw sa tungkulin sakaling pumasok na ang bagong administrasyon. Halatado tuloy na ginagamit lamang sila ng kanilang Pangulo upang isulong ang anumang personal nitong interes.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
 
FOREX
US Dollar 46.3300
Bahrain Dinar 122.888
Euro 55.6748
HK Dollar 5.94661
Japan Yen 0.505234
Saudi Riyal 12.3570
S’pore Dollar 32.8046
Taiwan Dollar 1.42809
UAE Dirham 12.6137
UK Pound 66.9552
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section