Tila dinu-Diyos ng isang government official ang kanyang buhok dahil ni ayaw itong mahanginan o magulo man lamang at kapag nangyari ay todo ikinaiinit ng ulo as in bad trip na.
Kung si Elvis Presley ay may kantang tungkol sa mahal niyang sapatos, ito namang si opisyal ay may astang nagpapakita kung gaano kahalaga sa kanya na maging maayos palagi ang kanyang buhok, as in dapat ay hindi naiiba man lamang ang hati o nagpa-fly away man lamang.
Sabi pa ni Mang Teban, itong si opisyal ay isang babae kung kaya hindi maitago na maging emosyunal ito sa tuwing nabubuwisit kapag bahagyang ginagalaw ng hangin ang kanyang buhok, as in andiyang sinisigaw-sigawan nito ang kanyang alalay na sinisisi niya kung bakit umano hindi agad siya sinabihan na nagbago ang arrive ng kanyang buhok.
Ang nakakawindang pa dito, sobrang ikli naman ng buhok ni opisyal kaya magulo man nang bahagya ay hindi naman halata.
Pintahan n’yo na: Si opisyal na nagiging sensitive kapag buhok na niya ang nagugulo ay itago na lamang natin sa bansag na Neneng Arte, kung bakit itanong sa Ilog Pasig.
|