|
Sinimulan na ng Philippine Consulate General sa Los Angeles at Philippine Embassy sa Malaysia ang pagtanggap ng state-of-the-art Philippine electronic passport (ePassport) applications ngayong buwan ng Hunyo.
Nabatid na ang ePassport sa Los Angeles ay nagkakahalaga ng $US60.
Ang photo, thumbprints at paglagda ng aplikante ay isinasagawa sa Consulate General bilang bahagi ng proseso.
Samantala sa Malaysia, ang mga Embassy personnel na dumalo sa ePassport training sa Manila ay nagsagawa ng echo seminar at actual hands-on training para sa iba pang tauhan ng RP Post.
“To ensure that Filipinos in Malaysia will be informed of the transition from Machine Readable Passports (MRPs) to the new ePassports, announcements on ePassport processing were posted on the Embassy consular waiting area. Circular letters regarding the new system were also sent to the different Filipino organizations in Malaysia,” paghahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Si G. Arphi Simon Castillo Galicia, anak ni Attaché Filipina C. Galicia, ang kauna-unahang ePassport applicant sa RP Embassy.
Ang bagong Philippine ePassport ay nagtataglay ng integrated circuit chip sa mga pahina na mayroong mahahalagang data na magbeberipika sa pagkakakilanlan ng passport holder.
|