| INAMIN ni Heart Evangelista na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi sa bahay ng parents niya, at nagso-solo pa rin siya. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit kailangan niyang kumayod nang husto, para may maipambayad siya sa mga bills niya sa bahay.
“Umuwi ako for a time sa bahay ng parent ko, kasi hindi ko mauwian ang bahay ko dahil ang daming litrato (nila ni Jericho Rosales na magkasama). Pina-renovate ko muna `yun… And then, pinapinturahan ko ang mga wall paper na ginawa niya (Jericho) doon,” sabi ni Heart.
Pero, madalas naman daw na dumadalaw sa kanya ang mommy niya. May nabili rin daw itong unit sa building na tinitirhan niya.
 
Anyway, ayaw ngang pag-aksayahan ng panahon ni Heart ang grupong Ampalaya Anonymous na diumano ay naninira rin sa kanya. Wala rin siyang planong alamin kung sinu-sino ang mga miyembro nito.
“Ang feeling ko, kung anuman sila, huwag na silang manggulo ng iba. Ang tatanda na nating lahat, di ba? Tumatanda na rin kami. So, deadma na lang.
“Ang gaganda naman nila! Hindi na nila kailangang mang-bully ng iba. Kasi I heard also na may iba silang binu-bully. It’s so wrong. They should stop it!
“They’re beautiful, they’re gorgeous ladies. They don’t need to be like that,” payo pa ni Heart sa Ampalaya Anonymous.
Maliban kina Cristine Reyes at Bianca King na sinasabing miyembro ng Ampalaya, wala na raw siyang alam na iba pang miyembro nito, at wala raw talaga siyang balak na alamin pa kung sinu-sino sila.
|