GABAY NG DIYOS

Bulgaria ‘Survivor’ contestant, inatake sa puso

(Bell Desolo/AP)


CARAMONA, Camarines Sur --- Nakatakdang ibalik sa kaniyang bansa ngayong araw ang Bulga­rian national na kasali sa sikat na “Survivor Rea­lity Show II” na namatay matapos ang matin­ding pana­nakit ng dibdib habang nagsasapelikula ang nasabing programa sa isang island beach dito kamakalawa.


Ayon sa pulis, ang 53-anyos na si Noncho Vodenicharov ay namatay nitong Sabado sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor na sina Nikolai Niekov, Bulgarian doctor at Dr. Genivieve Go, Filipino doctor, ilang minuto makaraang dumaing ito ng paninikip ng dibdib.


Sa ulat na nakalap mula kay P/Inspector Ayns Natuel, chief PIO ng PRO-Bicol, dakong alas-12:20 ng hapon nasa Gota Beach Resort sa bayang ito umano ang biktima at ang ibang participants sa nasabing reality show para sa isang aktibidad nang dumaing ng paninikip ng dibdib at pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyang namatay.


Ayon sa Bulgarian news report, ang biktima ay da­ting town mayor at dating stunt man at singer.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section