GABAY NG DIYOS

P1.50 hike sa gasolina, transport hati sa fare hike
(Aries Cano/Noel Abuel)

 

Magtataas ng P1.50 kada litro sa presyo ng gasolina ang Flying V ngayong Martes ng hatinggabi.


Maliban sa gasolina, wala pang inaanunsyong paggalaw sa halaga ng diesel at kerosene.


Inaasahan naman ang pagsusunuran ng iba pang kumpanya ng langis sa panibagong oil price hike na ito anumang oras mula ngayon.


Ang pagsirit na ito ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.


Samantala, nananatiling hati ang transport sector sa inihaing petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa 50¢ fare hike balik-P7.50 minimum fare sa jeep sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.


Para sa grupong Pasang-Masda, masyado pang maaga para ipetisyon ang panibagong fare increase sa kabila ng sunud-sunod na namang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.


Ang petisyon ay inihain ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa ilalim ni Efren de Luna.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section