www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS


Nagsagawa ng kilos protesta sa kahabaan ng España Manila ang mga militanteng kabataan para iparating ang hinaing ng mga kapwa estudyante. Tintututulan ng grupo ang pagtaas ng singil sa matrikula, na ayon sa kanila ay pa­bigat sa gastusin ng pamilyang Filipino. (Devery Mark Alegata)

Kauuwing OFW, nag-suicide

(Lily Reyes)


Patay ang bagong da­ting na overseas Filipino worker (OFW) makaraang magbigti kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.


Pasado alas-dos kahapon ng madaling-araw nang madiskubre ang na­ka­biting si Hapinino Santiago, 29, may-asawa, OFW, ng Block 5 Lot 2, Natividad Subd., Bgy. Sta Lucia, QC.


Sa imbestigasyon ni PO3 Gregory Maramag, ng Homicide Section ng Quezon City Police District (QCPD), kararating lang umano ng biktima mula sa pagtatrabaho sa bansang Dubai noong nakalipas na Mayo 29.


Simula umano nang du­mating ito ay madalas na silang mag-away ng kanyang asawang si Bernadette dahil sa mga natatanggap nitong text message galing sa isang babae.


Kamakalawa ng hapon ay kinumpronta umano ng babae ang kanyang mister kaugnay sa mga natatanggap nitong mga text message ngunit hindi umano nagsasalita ang biktima na lalo namang ikinairita ng asawa.


Pasado alas-dos kahapon ng madaling-araw ay nakita na lang ng ginang ang kanyang mister na nakabitin at nakatali ang leeg ng nylon cord.


Agad na humingi ng saklolo ang ginang sa mga barangay tanod sa nasabing lugar para maibaba at madala sa ospital ang biktima ngunit malamig na bangkay na ito nang mai­baba at makalagan ng tali sa leeg.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section