| ENTERTAINMENT |
- JOJO GABINETE: Nadia at Amalia, kinasuhan ng libel ni Annabelle sa Cebu!
- JUN NARDO: WALLY, gustong totohanin ang laplapan kay Pokwang!
- REY PUMALOY: Nora, patuloy na iniiyakan ang pagkamatay ni Mario O’Hara
- JOE BARRAMEDA: Jennylyn, todo-alaga nang magkasakit si Luis
- DOLPHY, nag-I LOVE YOU na kay ZSA ZSA!
- Piolo at Jericho, mainit ang huling pagtutuos
- APO songs, bida sa Zsa Zsa, Eugene, Gary movie
- TV5, lugi nga ba ng P6B?
|
|
|
Nagsama-sama ang halos lahat ng biggest OPM giants na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion, Ogie Alcasid, Eugene Domingo sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, na sa title pa lang ay obyus na tribute ito sa mga sikat na kanta ng Apo Hiking Society.
Bida rin sa movie sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos. At mula ito sa direksiyo ni Chris Martinez.
Movie-oke ang tawag nila sa genre ng move, dahil sigurado raw na mapapakanta ang mga manonood habang pinapanood ang pelikula.
Dream project daw ito ni Tony Gloria ng Unitel Prod.
Naniniwala si Mr. Gloria na handa na ang mga Pinoy sa ganitong klaseng movie na puno ng kantahan.
Lalo na raw kung ang mga kanta ay malapit sa puso ng mga Pinoy, na tulad ng mga kanta nina Jim Paredes, Buboy Garrovillo at Danny Javier.
Kasama rin sa movie sina Neil Coleta, Jaime Fabregas, Kiray Celis, Gerald Pesigan, Sweet Plantado and Frenchie Dy. Ang mga kantang Pumapatak Na Naman Ang Ulan, Doo Bidoo, Syotang Pa-class, Awit ng Barkada, Panalangin, Tuyo Nang Damdamin, Mahirap Magmahal, Salawikain, Nakapagtataka, Batang Bata, Blue Jeans, Kaibigan, Huwag Masanay Sa Pagmamahal, Ewan, Paano, Di Natuto, Pag-ibig, at Kabilugan ng Buwan ang mga kanta ng APO na maririnig sa movie. |