TUESDAY, JUNE 28, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

PUBLIC SERVICE
Nagtatanong na taxpayer
 

 

Dear Atty. Aga,


Magandang araw po sa inyo. Nagpapasalamat ako sa pitak n’yo na kahit malayo sa Pilipinas ay nababasa ko araw-araw thru online ang mga payo n’yong legal sa sinumang sumusulat sa ‘yo.

Maraming salamat po sa free public service n’yo at sa Abante.


Gusto ko lang pong malaman ang tamang paraan ng pagbabayad ng buwis ng bahay at lupa na binili ko ng installment basis at lupa na binayaran ko naman ng cash na nabili ko sa developer. Kailan po dapat magbayad, saan at magkano?


Kapag nabayaran po ba in full automatic ibibigay sa ‘yo ang titulo? Nais ko rin po malaman saan ahensya makakakuha ng tamang information gaya ng computation ng buwis na ibabayad sa mga na-acquired na properties.


Thank you Atty. Aga and more power.


Lubos na gumagalang,


Noel ng Brazil

Ayon sa iyong salaysay, ang tinutukoy mo na uri ng buwis ay ang tinatawag na Real Property Tax.

Ang buwis na ito ay binabayaran taun-taon ng taong nagmamay-ari ng property.


Tungkol sa property na binili mo ng installment basis, karaniwan sa mga developer ay hindi muna nila pinapalipat sa pa­ngalan ng buyer ang titulo habang hindi pa siya fully paid. Ngunit kahit hindi pa naililipat ang titulo sa pa­ngalan mo pero nakatira na kayo sa binili mong pro­perty, ikaw ay may obligasyon na bayaran na ang Real Property Tax.


Sa lupa naman na binayaran mo ng cash, dapat ay umpisahan agad ang pagproseso ng paglipat ng titulo ng property sa pa­ngalan mo at obligas­yon mo na ang pagbabayad ng Real Property Tax bilang owner.


Ang Real Property Tax ay binabayaran sa Office of Local Treasurer ng Local Government Unit kung saan located ang property. Ang halaga naman ng buwis na dapat bayaran ay depende sa current declared market value at kung anong klase ito ng pro­perty, sa iyong sitwasyon, ang nabili mong property ay residential.


Ito ay naaayon sa Section 5 ng Presidential Decree 464 na nagsasabing “Appraisal of Real Pro­perty. -- All real property, whether taxable or exempt, shall be appraised at the current and fair market value prevailing in the locality where the property is situated.”


Ang obligasyon ng pagbabayad ng buwis ay nag-uumpisa tuwing January 01 taun-taon. Para naman hindi maging mabigat ang pagbabayad ng buwis, pinapayagan ng gobyerno na bayaran ito ng 4 installment basis at nagbibigay sila ng discount `pag paid in advance.


Upang malaman mo kung ano ang tamang computation ng buwis na dapat mong bayaran nararapat na pumunta ka sa Assesor’s Office ng munisipyo.


Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong magsadya o sumulat sa aming tanggapan sa DZXL RMN MANILA sa Guadalupe Complex, 4th Floor, Guadalupe, EDSA, Makati City. Patuloy rin tayong makinig sa ating radio program, ITO ANG BATAS WITH ATTY. AGA, Lunes hanggang Biyernes, sa bagong time slot 4:00-6:00 p.m., DZXL RMN Manila sa 558 khz or through live streaming at www.rmnnews.com/tv. Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net.


Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS!


SERBISYO PUBLIKO SERBISYO PUBLIKO

Gusto mo bang ipadyaryo ang reunion n'yo? Nawawalang kaanak? Napulot na papeles? O kung anumang panawagan? i-email sa: abante_serbisyo@yahoo.com

Importante: Kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address ng nagpapalathala. Opsyon kung ipapabanggit o hindi sa dyaryo ang personal details ng nagpadala.

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.5900
Bahrain Dinar 115.611
Euro 61.5501
HK Dollar 5.59648
Japan Yen 0.539809
Saudi Riyal 11.6234
S’pore Dollar 35.0721
Taiwan Dollar 1.50648
UAE Dirham 11.8670
UK Pound 69.4255
COLUMNIST OF THE DAY
Tanggalin ang LTO, huwag ang Stradcom
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section