SUNDAY, JUNE 23, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Ai Ai, rumesbak sa basher ng mga anak!
“Kahit alam kong wala kang Diyos, matakot ka sa
ginagawa mo sa akin. Please, leave my children alone!”
 Ni Rose Garcia

Kung walang ma­babago, posibleng isang buwan na mawawala si Ai Ai delas Alas base na rin sa pinost niya sa kanyang Ins­tagram account, kung saan, nagpapahiwatig ito na sa pagbabakasyon niya sa Amerika, magpapaka-Nanay muna siya sa kanyang tatlong anak na sina Sancho, Sophia at Niccolo.


Sey ni Ai Ai sa kanyang post, “paradise with my children, yahoo!!!


“At para sa aking mga close friends, friends, supporters, nagmamahal --magpapaalam lang po ako ng isang buwan na pananahimik sa IG.


“Magpakananay po muna ako sa mga juna­kis…Normal ci­tizen muna.


“Laba laba, luto luto, plantsa (kahit ‘di nila pinaplantsa damit dito) heheheee.


“Mami-miss ko kayo at pag na-miss nyo ako silip silip lang pag may time sa IG ni Sancho or Sophia…God Bless you all and I love you all!!!


“See you all after 1 month kiss kiss.”


Pero, hindi pa nagtatagal pagka-post na ‘yun ni Ai Ai, nag-post itong muli dahil may isang IG u­ser na tinotoo nga ang sinabi ni Ai Ai.


Sa pagka-miss nga sa kanya, ang IG ng mga anak niya na sina Sancho at Sophia ang tinitingnan at saka doon nagba-bash.


Kaya nag-post ulit si Ai Ai nang, “SA MGA NAGMAMAHAL SAKEN SINABI KO MAMA­HINGA AKO SA IG PERO SA KASAMAANG PA­LAD AY MGA ANAK KO ANG GINUGULO NI @GROIN19 (NA ALAM NATING LAHAT KUNG SINO!!!!) KAHIT ALAM KONG WALA KANG DIYOS @GROIN19 KAHIT KONTi MATAKOT KA MAN LANG SA LAHAT NG GINAWA MO SAKEN AT SA LAHAT PA NG GINAGAWA MO…PLS LEAVE  MY CHILDREN ALONE…”


Ang isa sa post ng IG user ay, “Tama ungas ka nga! Paki sabi sa nanay @aiaidelasalas mo bakit nya ako blocked?


“Masakit ba ang totoo? Ilusyunada kasi siya na maganda siya. Tell her to wake up na!”


Ito ay bilang sagot ng IG user sa throwback picture ni Sancho na may caption na “ungas” habang nakadila ito.


Marami pang naging palitan ng mga salita sa kanilang IG account sina Sophie, Sancho at ang IG user na tila pinaniniwalaan ng ilang IG users na baka kakilala raw ng dating asawa ni Ai Ai.


Pero hindi lamang ang mga anak ni Ai Ai ang pumatol sa pangba-bash ng IG user, maging ang iba pa kung kaya’t para itong nakuyog na pagkatapos ng posting niya na ‘yun, wala nang isinunod pa.


At, how true na sa isang buwan ni Ai Ai sa Amerika, posibleng pagkakataon na raw nito na mapawalang-bisa ang ginawa nilang kasal ni Jed sa Las Vegas?




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.7200
Bahrain Dinar 115.968
Canadian Dollar 41.8233
Euro 57.4458
Australian Dollar40.2989
HK Dollar 5.63522
Japan Yen 0.447195
Saudi Riyal 11.6563
S’pore Dollar 34.2577
Taiwan Dollar 1.45293
UAE Dirham 11.9037
UK Pound 67.4294
COLUMNIST OF THE DAY
GMA alert!!!
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section