Pinasundo ng gobyerno ng China ang kanilang mga mangingisdang nakaposte sa Panatag (Scarborough) Shoal.
Tulad din ng pahayag ng Pilipinas sa pag-pullout sa nakaposteng mga barko sa tensyunadong Panatag Shoal, ang masamang panahon ang inirason ng dayuhang gobyerno sa pagpapauwi sa lahat ng sasakyang pandagat sa pinag-aagawang teritoryo. |