SUNDAY, JUNE 16, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
LUZON NEWS

8 illegal loggers nasakote

(Joselito Perez/Jojo de Guzman)
 

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP)-Ilocos Sur at ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Task Force on Anti-Illegal Logging ang mahigit sa dalawang milyong halaga ng pinagputul-putol na puno ng narra sa Ilocos Sur kamakalawa.


Walang maipakitang mga kaukulang papeles mula sa DENR ang mga inarestong suspek na sina Nestor Aquilar, Edmar Aguilar, Jomar Aguilar, Christian Aguilar, Louie Boy Aguilar, Prodencio Aquilar, Jay-R Fabro at Marvin Orodio, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Barangay Barincucurong, Suyo, Ilocos Sur.


Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni DENR secretary Ramon Paje, nasakote ang mga suspek habang nasa aktong nagpuputol ng mga puno ng narra sa kabundukang bahagi ng Sitio Kumpiit matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang concerned citizen.


Sa kabilang dako, nakumpiska naman sa mga police checkpoints ang may 15 sako ng uling at 55 pirasong kahoy na may volume na 649 board feet sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija kamakalawa.


Sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Ric Villanueva, commander ng Provincial Public Safety Command, nakilala ang mga nahulihan ng mga kontrabando na sina Elmer Javier Velayo, 26; Christian Cruz Nuñez, 28, kapwa ng Sityo Bibit, Bgy. Macabaclay, Gapan City at sina Dondey Roldan Ramos, 18, at helper nitong si Khennie Bonhaon Motua, 14, kapwa ng Purok 5, Bgy. Labi, Bongabon.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.8000
Bahrain Dinar 113.528
Canadian Dollar 42.0846
Euro 57.1097
Australian Dollar40.9575
HK Dollar 5.51465
Japan Yen 0.454135
Saudi Riyal 11.4120
S’pore Dollar 34.1964
Taiwan Dollar 1.43144
UAE Dirham 11.6532
UK Pound 67.2238
COLUMNIST OF THE DAY
DOST: Department of Story Telling?
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section