|
Hanggang ngayon ay ibang tono pa rin ang kinakanta ni Top Rank promoter Bob Arum, halos isang linggo matapos ang kontrobersiyal na split decision win ni American Timothy Bradley kay Manny Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas noong Linggo.
Inagaw ni Bradley ang WBO welterweight title ni Pacquiao, pero iginigiit ni Arum na malinaw at malayo ang agwat ng panalo ni Pacquiao, at ipinapahiwatig na nagkamali ang judges.
Buong mundo ng boksing ay nailing sa desisyon -- dalawang judges ang nagbigay ng 115-113 pabor kay Bradley, parehong iskor ang nakita ng ikatlo pero ibinigay kay Pacquiao.
Para kay Arum, dinomina ni Pacquiao ang laban at nagbitaw ang promoter na wala nang part two ang Pacquiao-Bradley.
“I don’t want to do a rematch,” pahayag ni Arum sa The Las Vegas Sun.
Sa final press conference ng laban ay may dala si Bradley na malaking replica ng ticket ng aniya ay paniguro sa rematch nila ni Pacquiao sa Nobyembre.
“The fight was a one-sided fight. If it had been scored properly, 10-2 or 9-3 (rounds), who would be asking for a rematch? -- Nobody. Just because these officials screwed up, that doesn’t justify a rematch.”
|