|
Dahil sa pamamayagpag ng mga Katolikong sumusuporta sa Reproductive Health (RH) bill ay tinatakan (trademark) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang terminong ‘Katoliko’ bilang eksklusibong tawag sa mga miyembro ng Simbahang Katoliko na sumusunod sa kanilang mga aral.
Isang opisyal ng CBCP ang nagsabing ang terminong ‘Catholic’ ay nakareserba lamang sa mga sumusunod sa aral ng Santo Papa kung saan ay nabigyan ng opisyal na lisensya ng Vatican sa pamamagitan ng binuong bagong franchising agent sa Pilipinas ay ang CBCP Commission on Franchising and Life o COFAL.
 |
Muling nagharap kahapon ang grupo ng mga taga-usig at taga-depensa sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa pagpapatuloy ng paglilitis sa pinakamadugo at karumal-dumal na masaker sa bansa, ang Maguindanao massacre, kung saan inaakusahang nasa likod ng pamamaslang ng 57-katao, kasama ang 31 mamamahayag, ang makapangyarihang angkan ng mga Ampatuan sa rehiyon ng Mindanao. (AFP) |
Kamakailan lamang ay naghain ng reklamo ang COFAL sa Intellectual Property Office of the Philippines laban sa C4RH.
“Catholics for RH are not authentic,” ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, COFAL president. Giit pa ng arsobispo, hindi kinikilala bilang Katoliko ang nasabing grupo.
Nakaraang linggo rin ay tumanggi si Archbishop Palma na makipagpulong sa mga miyembro ng grupo hangga’t hindi umano pinapalitan ng mga ito ang kanilang pangalan.
“Either they change the ‘Catholic’ part or they change the ‘for RH’ part. As it stands their name is an oxymoron, let alone illegal,” ayon pa sa COFAL president.
Alinsunod sa ipinaiiral na panuntunan ng COFAL ay nagpalabas si Laguna Bishop Leo Drona, COFAL vice-president, ng “clarificatory note” bilang gabay sa lahat ng Katoliko upang hindi umano sila malinlang ng C4RH.
Binigyang-linaw din ni Bishop Drona na ang COFAL ay hindi ikinukunsidera o kinikilala ang nasabing grupo bilang tunay na samahang Katoliko dahil direkta itong tumututol sa magisterial teachings ng simbahan.
“Their group violates not only Canon laws but intellectual property laws as well,” ayon pa kay Bishop Drona.
Idinagdag pa ni Drona na ang trademarking ang nagsisilbing hadlang sa pagbuo ng iba pang grupo kagaya ng Catholics for Divorce, Catholics for Abortion, Catholics for Euthanasia, Catholics for LGBT rights, at Catholics for Choice.
Napag-alaman ding dahil sa naging aksyon ng CBCP, ilang Katoliko ang nagbantang tatalikod sa Simbahang Katoliko at bumuo ng sariling grupo.
Pero binalewala ni Archbishop Palma ang banta at nagsabing maaari nilang gawin anuman ang kanilang plano sa kanilang sariling simbahan pero mananatili itong walang silbi.
“The sacraments, the prayers, even the bread and wine have no holiness or power unless properly franchised by the Catholic Church,” dagdag pa ng obispo.
Kamakailan din ay nagsampa ang COFAL ng aplikasyon para i-trademark ang terminong “moral”, “family” at “life”.
Samantala, ipinaliwanag naman ni retired Archbishop Oscar Cruz kung bakit humantong sa pagpapa-trademark ng salitang ‘Katoliko’ at ‘Catholics’ ang CBCP. “Mahigit 200 taon na ang Simbahan, talagang may naninira sa simbahan,” ani Cruz.
Sinabi pa ng arsobispo na kaya humantong sa pagpapa-trademark sa terminong Katoliko ay upang ipaalam ng Simbahan na hindi nito kinikilala ang nagpapanggap na grupo na nanlilito sa mga tao lalo na sa usapin ng RH bill.
Ayon pa kay Cruz, mayroong mga Katolikong tinatawag na ‘integral Catholic’ o saradong Katoliko na lahat ng kautusan ng simbahan ay sinusunod. Mayroon ding ‘eclectic Catholic’ na pinipili na lamang ang katuruan na susundin.
“Ang tungkulin ng Simbahan ay mangaral at ipaliwanag sa mga mamamayan ang mabuting gawain pero nasa mga mamamayan pa rin kung susundin nila ito at sa bandang huli ay sila ang magiging responsable sa kanilang magiging desisyon,” ayon pa kay Cruz.
Wala rin aniyang katotohanan ang alegasyon na maaaring ma-ex-communicate ang sinumang susuporta sa RH bill.
Giit ng arsobispo, dalawang bagay lamang ang maaaring ma-excommunicate ang isang Katoliko at ito ay sa pamamagitan ng effective abortion at harm to the Holy Father.
Ito ay makaraang dumagsa ang mga katanungan sa ilang pahayagan at maging sa ilang parokya kung paano tatratuhin ng Simbahang Katoliko ang mga “practicing Catholics” (nagsisimba, nangungumpisal at naniniwala at sumusunod sa mga sakramento) na nagbubukas ng kanilang kaisipan sa RH bill.
Sa Kamara, walang nakuhang reaksyon ang pahayag ni Palma na nagsasabing “hindi tunay na mga Katoliko” ang sumusuporta at nagsusulong ng RH bill.
“Basta ako, Katoliko ako,” maiksing pahayag ni Iloilo Rep. Janette Garin na co-author ng RH bill.
Tumanggi ring magbigay ng komento ang mga lady solons na nagsusulong ng panukala na sina Gabriela partylist Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus.
|