WEDNESDAY, JUNE 13, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Isabel, type um-attend sa kasal ng ex-BF na si Marco kay Lara!!
Ni JOJO GABINETE
 

Ang kalagayan ng kanyang 74-year old father ang napag-usapan namin ni Isabel Oli sa presscon ng Faithfully, ang bagong afternoon teleserye ng GMA 7.


Comatose pa rin ang kalagayan ng tatay ni Isabel at ito ang resulta ng kanyang sakit na cerebellar degeneration (a disease process in which neurons in the cerebellum - the area of the brain that controls muscle coordination and balance - deteriorate and die, according to medic8.com). Para kay Isabel, everyday struggle ang sitwasyon ng kanyang ama pero hindi nawawala ang pananampalataya niya sa Diyos.

Nagpapasalamat si Isabel dahil sa awa ng Panginoon, patuloy ang pagdating ng mga trabaho kaya nakakatulong siya sa pagpapagamot sa tatay niya.


Bukod sa Faithfully, magkakaroon si Isabel ng bagong reality show sa GMA News TV at magsisimula ito sa susunod na buwan.


***


Ikakasal sa July 8 sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman. Sa mga hindi nakakaalam, na­ging boyfriend ni Isabel si Marco kaya hiningan ito ng opinyon tungkol sa pagpapakasal ng kanyang ex-boyfriend.


Kung sakaling imbitahan siya sa kasal nina Marco at Lara, dadalo si Isabel dahil magkaibigan sila ng dating karelasyon.


“Friends kami. Okey na okey kami,” ang sagot ni Isabel na napahalakhak nang ipaalaala sa kanya ang insidente na nagha­gisan sila ni Marco ng aso sa isa kanilang mga away noon.

 

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.8600
Bahrain Dinar 113.680
Canadian Dollar 41.5977
Euro 53.5273
Australian Dollar42.4113
HK Dollar 5.52445
Japan Yen 0.538442
Saudi Riyal 11.4281
S’pore Dollar 33.3828
Taiwan Dollar 1.43045
UAE Dirham 11.6685
UK Pound 66.3278
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

GABAY NG DIYOS

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section