MONDAY, JUNE 10, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
OPINION
LETTER TO THE EDITOR

Dear Editor:


1956 pa ang unang pagkakataon na inihayag ng bansa natin na ang Kalayaan Group of Island ay ating pag-aari sa bahagi ng South China Sea, kasabay ito ng pagtala sa mga dokumento na “Notice to the Whole World” ng manlalayag na si Tomas Cloma at Director of the Philippine Maritime Institute.


Bagama’t agad na kinuwestyon ng ilang karatig-bansa tulad ng South Vietnam, China, maging ng European countries tulad ng France, United Kingdom, at Netherlands, ay kinuwestyon ito dahil sa kanilang mga kolonya sa Southeast Asia ay ‘di nagpatinag ang ating mga ninuno.


Kasabay ito ng agad na pag-ookupa ng bansang China sa pinakamalaking bahagi ng Isla sa Kalayaan Group of Island, ang Ligao Island (Ltu Aba). Noong September 1956 ay pinahintulutan ito ng bansa, dahil malinaw na ang sakop na Pilipinas ay ang pitong isla lamang, ang Pag-Asa (Thitu), Likas (West York), Parola (Northeast Cay), Lawak (Nanshan), Kota (Loaita), Patag (Flat), Panata (Lankiam) at tatlong reef ang Rizal (Commodore), Balagtas (Irving) at Ayungin (second Thomas Reef).
Habang anim (6) na isla at labing pito (17) reef naman ang pag-aari ng Vietnan, isang (1) isla ang nakuha ng Taiwan, isang (1) artificial Island at limang (5) reef naman ang nakuha ng Malaysia at (8) walo ang napunta sa bansang China.


Dahil dito ay tuluyan nang itinala ni dating President Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1596 noong June 11, 1978 ang Kalayaan Group of Island na sakop ng Lalawigan ng Palawan at lalo pang sinuportahan ang unang pwersa ng mga kasundaluhan na ipinadala sa Kalayaan Island simula noong 1968 hanggang sa kasalukuyan.


Malinaw na ang 7 isla at 3 reef ay pag-aari ng ating bansa, subalit lumabas ang pagkagahaman ng mga Tsino na hindi nakuntento sa kanilang walong islang nakuha, sa halip ay pilit pang inaangkin ang Ayungin Shoal.


Na sa kasalukuyan nga ay patuloy ang pakikipag­laban natin sa ating karapatan sa Ayungin reef (shoal) sa gahamang China.


Sa Miyerkules, igugunita na po natin ang ika-115 taong kalayaan na ating tinatamasa o Independence Day. Sana po ang tunay na diwa nito ay makamtan ng sambayanang Pilipino.


Floro Potente
Ret. Forester (DENR)




LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.2600
Bahrain Dinar 112.095
Canadian Dollar 41.4476
Euro 55.8592
Australian Dollar40.1470
HK Dollar 5.44388
Japan Yen 0.433747
Saudi Riyal 11.2422
S’pore Dollar 33.8326
Taiwan Dollar 1.42199
UAE Dirham 11.5065
UK Pound 65.7375
COLUMNIST OF THE DAY
Kaso ni Sabili sa Ombudsman
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section