SATURDAY, JUNE 08, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Vocalist ng The Script na si Danny O’Donaghue,
may tip sa Pinoy singers
(DS)

Bago marinig ang pinakamahuhusay na boses sa bansa sa ina­abangang singing-reality show na The Voice of the Philippines, paking­gan muna ang boses ng hosts at coaches at kilalanin sila ngayong Linggo (June 9) sa Mic Test: The Voice of the Philippines Primer.


Sa unang pagkakataon, bubuksan ng coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga; host na si Toni Gonzaga; at V Reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga ang kanilang personal at propesyunal na buhay sa isang eksklusibong interview na tatalakay sa kanilang pinagmulan, mga pagsubok sa buhay, at daan tungo sa tinatamasang kasikatan bilang local o international personalities.


Ibabahagi rin nila ang mga hindi pa nakikitang larawan at video sa mahahalagang kaganapan sa buhay nila.


Sumilip din sa mga eksenang dapat abangan sa Blind Auditions, isang naiibang proseso ng audition ng kumpetisyon na nakakuha ng atensyon ng international viewers, at alamin mismo sa mga coach kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga artist na gusto nilang maging bahagi ng kanilang team.


Samantala, magbibigay rin ang The Voice UK coach at lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donaghue ng tips sa pagiging isang coach sa patok na singing competition at ikukuwento ang kanyang mga karanasan sa pagsa­sanay sa ilan sa pinakamahuhusay na boses sa United Kingdom.


Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa pinaka­aabangang singing-reality show na “The Voice of the Philippines” ngayong Linggo (June 9) sa “Mic Test: The Voice of the Philippines Primer,” 8:15 PM sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinyon ngayong Linggo gamit ang hashtag na #TheVoiceMicTest.
Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng “The Voice of the Philippines” sa June 15.

Para sa updates, maglog-on lang sa www.thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o kaya i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter.




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.1675
Bahrain Dinar 111.856
Canadian Dollar 41.0631
Euro 55.8555
Australian Dollar40.0704
HK Dollar 5.43281
Japan Yen 0.435897
Saudi Riyal 11.2433
S’pore Dollar 33.8939
Taiwan Dollar 1.41844
UAE Dirham 11.4831
UK Pound 65.7661
COLUMNIST OF THE DAY
Customer Service: More Fun in the Philippines?
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section