FRIDAY, JUNE 08, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

 
BALITANG ABROAD
100 patay sa panibagong Syria massacre
 
 

DAMASCUS,(AFP) --- Ang puwersa na loyal kay Syrian President Bashar al-Assad ay “minasaker” ang may 100 katao na kinabibilangan ng mga kababaihan at kabataan, ayon sa oposisyon habang nanawagan ang US ng lubusang paglilipat ng kapangyarihan sa bansa.


Ang panawagan ni Secretary of State Hillary Clinton ay nagbabadya ng panibagong diplomatic stand-off sa Syria, matapos iha­yag ng Russia at China na mahigpit nilang tinututulan ang panghihimasok at pagbabago ng rehimen.


Sakaling mapatunayan ang ulat ng pamamaslang sa central province ng Hama, mapapabilang sila sa may pinakamalalang kaguluhan sa Syria’s 15-month uprising laban sa Assad’s embattled regime.


“We have 100 deaths in the village of Al-Kubeir, among them 20 women and 20 children,” Mohammed Sermini, spokesman para sa exiled opposition Syrian National Council sa Agence France-Presse (AFP).


Inakusahan nito ang rehimen na siyang nasa likod ng “massacre”.


Batay naman sa ulat ng ibang sources ang mass killing ay naganap sa na­sabi ring lugar, na kinabi­bilangan ng Syrian Obser­vatory for Human Rights na nagsabi na 87 ang nasawi.


Itinanggi naman ng Syrian government na sila ang may kagagawan sa nasabing pamamaslang.

 

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.0500
Bahrain Dinar 114.252
Canadian Dollar 41.8934
Euro 54.1009
Australian Dollar42.8576
HK Dollar 5.54897
Japan Yen 0.542093
Saudi Riyal 11.4788
S’pore Dollar 33.7510
Taiwan Dollar 1.44076
UAE Dirham 11.7199
UK Pound 66.6295
COLUMNIST OF THE DAY
PINOY NOBELA

GABAY NG DIYOS

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section