Isa sa pangunahing testigo ng Commission on Elections (Comelec) na nagsasangkot kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage ang iniulat na nawawala bago pa man makaharap kahapon ng umaga sa isinagawang pagdinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).
Sa ginanap na pagdinig, sinabi ni Comelec lead prosecutor Atty. Maria Juana Valeza kay Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 na hindi na nila mahagilap sa tinutuluyang safe house si Russam Mabang, ang dating election officer ng Maguindanao na magsisilbing testigo at magdidiin sa partisipasyon ng dating pangulo sa pananabotahe sa 2007 elections. |