FRIDAY, JULY 30, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
JULY 29, 2010

39-19-07-41-38-30
P10,659,969.00

6-DIGIT 6-0-3-6-5-8

1:30PM SUERTRES 1-3-3
5PM SUERTRES 6-2-0
9PM SUERTRES 8-2-5

EZ-2 2PM
29-19

EZ-2 5PM
27-01

EZ-2 9PM
22-12

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

45-48-14-46-18-16
P109,721,419.20

 
PUBLIC SERVICE
OFW in love sa mister na may asawa (2)
 

Dear Dra. Holmes:


Isang OFW po ako sa Bahrain. Ito ang unang pangigibang bayan.


Mkalipas po ang 2 taong pagtatrabaho ko dito, meron po akong nakilalang isang may asawa at 2 anak.

Unang kita ko pa lang po sa kanya ibang kabog sa dibdib ko ang aking naramdaman. lagi kaming nagkikita at nagbabatian.


Dalaga po ako. Madami na akong problemang kinakaya nang mag isa, pero sa usaping puso ako ay di naging matatag,


Lagi ko po siyang napapanaginipan at laging iniisip na sana ako na lang ang minahal niya.


Kami po ay nag uusap sa pamamagitan nang email saka isang social networking site. Naging honest po ako sa kanya at bilang tugon niya di ko po siya dapat mahalin kasi meron na siyang pamilya. patuloy ko pa din siyang minamahal kahit alam kong walang patutunguhan ito.


Paano ko po siya makakalimutan at paano po ako maging matatag. Alam ko na nararamdaman niya din yun nararamdaman ko. ~ Wildgenius


Dear Wildgenius:


Maraming salamat sa sulat mo na inumpisahan na nating sagutin noong Lunes. Paano ko po siya makakalimutan at paano po ako maging matatag. Una, Wildgenius, hindi mo siya makakalimutan, kahit anong gawin mo.


So plese, please, Wildgenius, huwag mo nang asahan yun. May isang mahalagang dahilan kung bakit sinasabi ko ito.


Kung akala mo makakalimutan siya, pero hindi naman mangyari, iisipin mo na ito ay isang senyas sa iyo natalagang it was meant to be na kayo at kayo na. Mas mahirap para sa inyong dalawa kung i-kumbinsi mo ang sarili mo na totoo talaga na you were meant to be.


Lalo na kasi, kutob ko, yun nang iniisip mo.


Bakit ko nasabi yan?


Una, dahil2 taon ka na diyan at ito lang ang unang beses na nahulog ang loob mo sa isang lalake.


If for that fact alone, na ito ang unang beses mayroon kang isang lalaking nagustuhan beyond kaibigan, malaking bagay yon. Alam kong iniisip mo “Grabe naman. If it took me two years to find someone special enough, baka hindi na ako makakahanap ng iba?!!?”


Alam mo naman siguro na hindi ito totoo. Baka mas madali (soon) makahanap ka ng iba dahil nabukas na ang puso mo sa pag-ibig. Mayroon pang mga dahilan na hindi mo na sana tanggapin mo na ngayon na hindi mo siya makakalimutan kahit nong gawin mo. Mabuting pag-usapan natin ito on Monday, ok? Until then, ingat ka sana, dearest wildgenius.


Sana rin hindi mo siya kailangan para maging may kahulugan ang weekend mo. Mahirap kasi kung nasa ibang bansa ka at walang kasama sa day off mo. —MG Holmes


Si Dra. Holmes ay sumusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyerns at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes . Sulatan siya sa kaniyang website www.margaritaholmes.com.

Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.7644
Bahrain Dinar 121.312
Euro 59.6313
HK Dollar 5.88818
Japan Yen 0.523557
Saudi Riyal 12.1962
S’pore Dollar 33.5003
Taiwan Dollar 1.42943
UAE Dirham 12.4525
UK Pound 71.4807
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section