FRIDAY, JULY 30, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
JULY 29, 2010

39-19-07-41-38-30
P10,659,969.00

6-DIGIT 6-0-3-6-5-8

1:30PM SUERTRES 1-3-3
5PM SUERTRES 6-2-0
9PM SUERTRES 8-2-5

EZ-2 2PM
29-19

EZ-2 5PM
27-01

EZ-2 9PM
22-12

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

45-48-14-46-18-16
P109,721,419.20

 
OPINION
Magandang panimula ng DPWH
 

Makatarungan lamang ang ginawa ni Public Works Secretary Rogelio Singson na kanselahin ang labing-siyam na “midnight deals” na pinasok ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ilang araw bago natapos ang termino ng Arroyo administration.


Ang 19 na kontrata na nagkakahalaga ng P934 milyon ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyong ‘Ondoy’ at ‘Pepeng’.


Bagama’t hindi galing sa kaban ng gobyerno ang naturang pondo, hindi puwedeng magbulag-bulagan ang gobyerno ni PNoy sa lantarang paglabag ng mga bataan ng dating administrasyon sa mga tamang prosesong dapat daanan ng bawat pinapasok na kontrata.


Unang-una, hindi dumaan sa “open and competitive public bidding” ang mga kontrata. Ikalawa, nilagdaan ito bago pa man nagbigay ng go signal ang Department of Budget and Management. Isang linggo na itong nalagdaan nang mailabas ng DBM ang special allotment release order (SARO) para sa mga proyekto. At ikatlo, inilusot ito ilang araw bago ang pormal na pag-upo ni PNoy. Halatang-halata na minadyik ang lahat upang maihabol ito. Huling kikig, ‘ika nga, ng dating administrasyon.


Ngayong kinansela ng bagong liderato ng DPWH ang labing-siyam na kontratang sangkot, wala kaming nakikitang malisya sa hakbang na ito. Hindi masasabing ito’y bahagi ng panggigipit sa nagdaang administrasyon. Sa halip, masasabi naming maganda itong panimula para sa DPWH na isa sa mga departamentong hindi makabangon sa imahe ng korapsyon, komisyon at iba pang anyo ng katiwalian.


Kung pinalagpas ng DPWH ang mga midnight deals na ito, malilihis sila sa tuwid na landas na ipinangako ni PNoy. Bukod dito, hindi magkakaroon ng leksyon ang mga bulok na kamatis sa loob ng departamento.


Sa pagsisimula ng imbestigasyon sa maanomalyang mga kontrata, kaabang-abang at kapana-panabik ang isa-isang paggulong ng mga ulo ng mga opisyales ng departamento na dapat mapanagot sa kanilang anomalya.


Umpisa na ito ng malawakang paglilinis… umpisa na rin ng pagtahak natin sa tuwid na landas!


 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.7644
Bahrain Dinar 121.312
Euro 59.6313
HK Dollar 5.88818
Japan Yen 0.523557
Saudi Riyal 12.1962
S’pore Dollar 33.5003
Taiwan Dollar 1.42943
UAE Dirham 12.4525
UK Pound 71.4807
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section