 |
Ganito ba ang tapat na traffic enforcer sa panghuhuli ng mga motorista? Ayaw ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang nangongotong. (Carlito Arenas)
|
Nalagutan ng hininga ang isang 6-anyos na batang lalaki habang nilalapatan ng lunas sa isang ospital makaraang ragasain ng landslide ang kanilang tahanan na ikinasugat din ng tatlong iba pa sa Sitio Patilong, Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao kamakalawa.
Ayon kay Supt. Leon Talleo, tagapagsalita ng pulisya ng Cordillera Administrative Region (CAR), ang namatay ay si Jayson Ganggangan.
Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa katawan at naitakbo pa sa Good News Clinic pero binawian din ito ng buhay makaraan ang kalahating oras. Sugatan din sina Dadaan, 70; Isabel, 67; at Jayjay, 4.
Sinabi ni Talleo na bumuhos ang malakas na ulan sa lugar dakong alas-kuwatro ng hapon at nabigla na lamang ang mga biktima nang biglang bumigay ang lupa sa mataas na bahagi ng burol at rumagasa sa kanilang tahanan.
Kaagad naman silang nasagip ng buhay ng kanilang mga kapitbahay at dinala sa ospital.
|