FRIDAY, JULY 30, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
JULY 29, 2010

39-19-07-41-38-30
P10,659,969.00

6-DIGIT 6-0-3-6-5-8

1:30PM SUERTRES 1-3-3
5PM SUERTRES 6-2-0
9PM SUERTRES 8-2-5

EZ-2 2PM
29-19

EZ-2 5PM
27-01

EZ-2 9PM
22-12

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

45-48-14-46-18-16
P109,721,419.20

 
LEISURE
HULING PINTIG NG AKING PUSO
NOBELA NI GILDA OLVIDADO

“SAGUTIN mo naman ako, Enrico…sino ang babaing minamahal mo? Makukuntento ako kung mas higit nga siya sa akin…” luhaang sabi ni Monet, hinahagod sa dibdib ang katabing binata.


Nasa kama pa rin sila pero tapos na sa lovemaking. Payapa na ang libido ng binata; si Monet ay pusong su­gatan ang pinaiiral.


“Monet, hindi mo na nga kailangang makilala pa siya.” Mahinahong ina­lis ng binata ang kamay ng dalaga. Palapit na kasi sa delikadong bahagi ng kanyang pagkalalaki.


Kailan ba matututunan ng babaing ito ang salitang ‘let go’? Dapat na talaga itong lumayo sa kanya; huwag nang manukso.


“Ano ka ba naman? Ako na nga ang talunan. At least ay entitled akong makilala kung sino ang nakatalo sa akin. Maa-assess ko kung siya ay mas maganda, mas malakas ang sex appeal …” Ayaw paawat ni Monet. “Mas well-endowed ba ang kanyang kuwan? Mas masarap amuyin ang…?”


“Bakit kailangang maging bulgar ang bibig mo, Mo­net?” galit na sabi ng binata. Ganitong nakaraos na siya ay galit siya sa babaing bastos ang bibig.


“Tseh! Para kang santo after sex, promise! Hindi bagay sa iyong maging banal, Enrico!”


“Darating na ang mommy ko. You better go, Mo­net. Mataray ang nanay ko, trust me.”

Nagpapakahinahon pa rin ang binata.


“Mabuti nga sigurong magkaharap kami ng mommy mo, Enrico! Para isusumbong ko ang pang-aapi mo sa akin! Bilang dalaga ay hindi mo dapat sinasamantala ang katawan ko!”


Nais sigawan ni Enrico ang lover for 2 years. Bakit naman ngayon lang nito naisip na ito ang agrabyado sa ganitong laro sa kama?


Delayed reaction ito; noon pa dapat nakapag-isip na one-sided ang relasyon nila. Kailanman ay hindi niya binanggit dito ang salitang pag-ibig. Ang nasasambit niya every time they make love ay ‘Oh, Monet…this is heaven…nakakabaliw ka…’


Hindi niya kailanman pinaasa ang babaing ito.


BLAG. Tunog ito ng pintong biglang bumukas.


Pinto ng kinaroroonan nilang silid. Duma­ting na palang bigla ang mommy ni Enrico. Na­ningkit ang mga mata nito sa galit.


“Hinayupak! Ginagawa ninyong motel ‘tong bahay ko? Napakabababoy ninyo!” mataray na sigaw ni Mrs. Soler, ang misis ng yumaong dating senador; ang ex-lover ni Don Pedro na ama ni Enrico.


Nagpakatatag si Monet. Bago siya sisihin ay ang anak muna nito ang dapat dikdikin ng ginang.


“Sinong babae ‘yan? Teenager pa yata, baka masabit ka, Enrico!”


Nais pumalakpak ng tenga ni Monet. Imagine napagkamalan siyang teenager? Bigla ay naging magaan ang dugo niya sa ginang na nakabusangol.


“Mommy, hindi na siya menor de edad. She is my…casual girlfriend…a bed partner if you may… Her name is Monet and she’s 24.”


“Baka may AIDS ‘yan!”


Dumilim ang mukha ni Monet. Galit na siya sa ginang. (ITUTULOY)

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.7644
Bahrain Dinar 121.312
Euro 59.6313
HK Dollar 5.88818
Japan Yen 0.523557
Saudi Riyal 12.1962
S’pore Dollar 33.5003
Taiwan Dollar 1.42943
UAE Dirham 12.4525
UK Pound 71.4807
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section