FRIDAY, JULY 30, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
JULY 29, 2010

39-19-07-41-38-30
P10,659,969.00

6-DIGIT 6-0-3-6-5-8

1:30PM SUERTRES 1-3-3
5PM SUERTRES 6-2-0
9PM SUERTRES 8-2-5

EZ-2 2PM
29-19

EZ-2 5PM
27-01

EZ-2 9PM
22-12

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

45-48-14-46-18-16
P109,721,419.20

 
ENTERTAINMENT
Mahabang kuko, bawal sa show ni Amy Perez!
Claudine, maraming itinuro kay Richard
 

BAWAL na ang mga mahahabang kuko sa mga bisita ng Face to Face dahil nagagamit nila ‘yon para makapanakit ng kapwa. Ang pagbabawal sa mahabang kuko ang bagong batas na pinaiiral sa pinag-uusapan na talakserye ni Amy Perez sa TV5.


Tinitiyak ng Face to Face staff na maiigsi ang kuko ng mga bi­sita na pinaghaharap nila para maiwasan ang maraming insidente ng kalmutan na nagududulot ng mga sugat sa mga mukha at braso.

Nakahanda rin ang nail cutter sa dressing room kung sakaling mahaba ang kuko ng mga guest.


Dinagdagan din ng segment ang Face to Face, ang one-on-one coun­seling ng Trio Tagapayo na hindi na ipinakikita sa TV dahil kumakain ito ng mahabang oras.


Idea nina Atty. Persida Acosta, Dr. Camille Garcia, Fr. Jerry Tapiador at Fr. Sonny Merida na magkaroon sila ng one-on-one counseling para lalo nilang matulu­ngan ang mga bisita na may mabibigat na problema na naghihintay ng kalutasan.


Next week, tatalaka­yin ni Amy sa Face to Face ang problema ng isang misis na pinagbibintangan na unfaithful ng mister niya dahil sa kanyang pagbubuntis.


Sumailalim sa vasectomy procedure ang lalake kaya hindi nito matanggap ang pagbubuntis ng kanyang asawa.


Nang makausap namin sina Atty. Acosta at Fr. Merida, sinabi nila na naapektuhan sila nang husto ng nabanggit na kaso. Hanggang sa kanilang pag-uwi sa bahay, nasa isip nila ang naganap na talakayan sa Face to Face. “It’s a must” daw na panoorin ang na­sabing episode dahil kapupulutan ito ng aral.


***


Sawsawero at sawsawera ang tawag sa audience ng Face to Face na may mga hawak na pula at puti na placard. Ang pla­card ang ginagamit ng audience para ipakita ang bisita ng Face to Face na pinapanigan nila.


Heart-shaped pla­cards na may X at check signs naman ang hawak ng audience ng Love ni Mister, Love ni Misis pero nilinaw ni Buboy Favor (executive producer ng show) na ibang-iba ang talk show nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa programa ni Amy Perez.


Hindi raw maituturing na kalaban ng Face to Face ang Love ni Mister, Love ni Misis dahil ang morning talk show ni KC Concepcion sa ABS-CBN ang makakatapat ng programa nina Zoren at Carmina.


***


Ang In Your Eyes ang comeback movie ni Claudine Barretto dahil apat na taon na ang nakalilipas mula nang ipalabas sa mga sinehan ang kanyang huling pelikula. Bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik-pelikula at sa role niya sa In Your Eyes, isang accent coach ang tumulong kay Claudine para magkaroon ito ng “California accent.”


Kinunan sa Los Angeles, California ang mga eksena ng In Your Eyes at dahil sa California accent niya, nabigyan ni Claudine ng justice ang karakter na kanyang ginampanan.


***


Si Richard ang love interest nina Claudine at Anne Curtis sa In Your Eyes. Malaking karangalan para kay Richard na makapareha sa pelikula si Claudine dahil marami itong naituro sa kanya at very supportive sa kanilang mga eksena.


Incidentally, mataas ang ra­ting ng Wildlife for Sale, ang investigative documentary TV special ni Richard na ipinalabas sa SNBO ng GMA 7 noong Linggo.


Nakarating na kay Richard ang magandang feedback at mataas na rating ng kanyang TV special kaya lalo siyang na-inspire sa shooting ng Celebrity Edition ng Survivor Philippines sa isang Asian country.


May balita na nagpakalbo si Richard habang nasa location shoot ng Survivor Philippines pero walang makapagkumpirma ng balita kaya nagtatanong din ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.7644
Bahrain Dinar 121.312
Euro 59.6313
HK Dollar 5.88818
Japan Yen 0.523557
Saudi Riyal 12.1962
S’pore Dollar 33.5003
Taiwan Dollar 1.42943
UAE Dirham 12.4525
UK Pound 71.4807
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section