|
ALCALA, Pangasinan --- Patay ang isang onse anyos na batang lalaki matapos itong magbigti sa loob ng bahay ng kanyang lola sa bayang ito kamakalawa.
Labis na hinagpis ang nadarama ng mga kaanak ng biktimang si Alvin Jay Lapitan nang matagpuang nakabitin sa kuwarto ng kanyang lola at nakapulapol sa kanyang leeg ang isang t-shirt at isinabit ang kanyang sarili.
Isinugod pa ito sa pagamutan ng kanyang lola subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Wala namang alam na problema ang mga kaanak nito upang magpakamatay ang bata.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.
|