THURSDAY, JULY 29, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
JULY 28, 2010

02-23-06-31-29-44
P39,669,354.00

4-DIGIT 3-6-7-2

1:30PM SUERTRES 8-7-7
5PM SUERTRES 6-2-1
9PM SUERTRES 1-6-4

EZ-2 2PM
07-25

EZ-2 5PM
16-13

EZ-2 9PM
12-26

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

25-14-10-52-13-20
P79,019,370.00

 
OPINION
Unahin ang bulok na bigas
 

Mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang nagbulgar sa kanyang kauna-unahang state of the nation address (SONA) na marami tayong bigas na hinahayaan lamang mabulok sa mga bodega ng National Food Authority (NFA) habang may apat na milyong Pilipino ang sumasala sa tatlong beses na pagkain sa araw-araw.


Kahapon naman ay sinabi ng bagong administrador ng NFA na si Lito Banayo, na lumalangoy tayo sa bigas dahil sa sobrang importasyong ginawa ng administrasyong Arroyo sa loob ng ilang taon bago tuluyang nagwakas ang termino nito. Lumalabas nga na halos lunurin ng dating administrasyon ang buong bansa sa mga biniling bigas hanggang sa kahuli-hulihang mga araw ng pagtatampisaw sa kapangyarihan.


Kaya naman ngayon ay napapasabak na agad ang mga bataan ni PNoy para sa malalimang imbestigasyon at kaliwa’t kanang imbentaryo sa problemang ito ng NFA. Puspusan ang gagawing pagtatrabaho para mapanagot ang maysala upang ganap na maitigil ang ganito kabulok na kalakaran.


Gayunpaman, sa gitna ng mga imbentaryo’t imbestigasyon, dapat muna nating unahin ang mga nabubulok nating bigas. Ano ang gagawin ng gobyerno ni PNoy sa pamanang mga bulok na bigas ni dating pangulo at ngayo’y kongresistang si Gloria Arroyo?


Kung ang mga bigas ay bulok na, hindi ito puwedeng ipamudmod sa mga nagugutom nating kababayan. Baka sa halip na maibsan ang gutom ay sakit pa ang idulot ng mga bulok na bigas. May mga suhestyong ibenta na lamang ito para gawing pakain sa mga babuyan. Maaari itong gawin upang kahit paano’y may mabawi naman ang gobyerno sa milyun-milyong pisong ibinili ng bigas. Subalit kailangan din muna nating tiyakin na ligtas pa nga itong gawing pakain sa mga hayop lalo na sa mga baboy na sa dakong huli’y sa sikmura rin natin hahantong.


Habang nag-iimbestiga ang bagong pamunuan ng NFA, kailangang bigyan ng prayoridad na malaman kung ilan talaga ang mga nabubulok na bigas, kung mayroon pa sa mga ito na puwedeng pakinabangan at kung ilan ang dapat nang ibaon o sunugin nang maiwasang mapakialaman ng mga mapagsamantalang tiyak na gagawa ng paraan upang ito’y mailusot sa merkado at pagkakitaan.


 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.8359
Bahrain Dinar 121.564
Euro 59.6973
HK Dollar 5.90137
Japan Yen 0.520740
Saudi Riyal 12.2217
S’pore Dollar 33.6188
Taiwan Dollar 1.43185
UAE Dirham 12.4820
UK Pound 71.5355
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section