THURSDAY, JULY 29, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
JULY 28, 2010

02-23-06-31-29-44
P39,669,354.00

4-DIGIT 3-6-7-2

1:30PM SUERTRES 8-7-7
5PM SUERTRES 6-2-1
9PM SUERTRES 1-6-4

EZ-2 2PM
07-25

EZ-2 5PM
16-13

EZ-2 9PM
12-26

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

25-14-10-52-13-20
P79,019,370.00

 
TOP STORIES
PNOY ‘DI AATRAS SA ESKANDALO!
Ni Rose Miranda
Training lang --- Sumasailalim ngayon sa matinding pag-eensayo o training ang ilan aktibong police na nalipat sa Special Weapons and Tactics (SWAT) unit upang hasain at makita ang kanilang kakayahan sa pagganap sa kanilang mga tungkulin bilang tagapagligtas ng mamamayan. (Jonas Sulit)

 

 

 

 

 

 

 

 

Binigyan-diin kahapon ng Malacañang na si Pangulong Benigno Aquino III ang tatayong chief communicator ng national government at ngayon pa lamang ay hayagan umano nitong kakaharapin ang anumang eskandalo ng kanyang administrasyon, taliwas sa na­ging istratehiya ng nakaraang administrasyon ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Ito ang tiniyak kahapon ni Communications Group Secretary Herminio Coloma na nagsabing bagama’t nakapwesto na ang mga opisyal ng ComGroup ay si Aquino pa rin, sa pangkalahatan, ang tatayong chief communicator nila kung saan wala umanong plano ang huli na lumikha ng media gimmicks at magsinungaling para lamang mapag-usapan o makalusot sa anumang kontrobersya.


“No gimmicks. We will tackle controversies. We’re not in the business of manufacturing stories, of spinning. Iiwas kami na magkaeskandalo pero kung mangyayari, we will apply the twin values of transparency and accoun­tability,” ani Coloma.


Magpapakatotoo umano si Aquino sa pagbibigay ng impormasyon sa taumbayan sa pamamagitan ng ComGroup at iiwas na magkaroon ng special treatment sa anumang media group o entity.


Samantala, inamin naman ng ComGroup na malaking hamon sa kanila ang mataas na popularidad ni Aquino at kung papaano ito mamantini ngunit ito ay papatunayan nila sa pamamagitan ng magandang performance. Wala rin umanong intensyon na i-project si Aquino bilang isang “masa President” dahil kung ano umano ang nakikita ng taumbayan dito ay pawang totoo dahil wala umanong pretensyon sa sarili ang chief executive.


Kumpiyansa si Coloma na ang pagiging totoong tao umano ni Aquino ang makakapagmantini sa mataas nitong popularidad tulad ng 85% trust ratings nito sa Pulse Asia survey.


Samantala, maliban sa social networking na tweeter at facebook ay balak din umano ng ComGroup na gamitin ang text messa­ging sa pagpapakalat ng impormasyon sa taumbayan ngunit isinasaayos pa nila ang istraktura para rito.


Pinag-aaralan din umano ng ComGroup ang pagkakaroon ng closure sa sequestration ng mga government TV\radio stations kundi man ay papaunlarin ang kapasidad ng mga ito.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.8359
Bahrain Dinar 121.564
Euro 59.6973
HK Dollar 5.90137
Japan Yen 0.520740
Saudi Riyal 12.2217
S’pore Dollar 33.6188
Taiwan Dollar 1.43185
UAE Dirham 12.4820
UK Pound 71.5355
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section