THURSDAY, JULY 29, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
JULY 28, 2010

02-23-06-31-29-44
P39,669,354.00

4-DIGIT 3-6-7-2

1:30PM SUERTRES 8-7-7
5PM SUERTRES 6-2-1
9PM SUERTRES 1-6-4

EZ-2 2PM
07-25

EZ-2 5PM
16-13

EZ-2 9PM
12-26

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

25-14-10-52-13-20
P79,019,370.00

 
LUZON NEWS
18-anyos na bebot, tinodas ng lover
(Edwin Balasa)

Tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng isang 18-anyos na babae makaraang barilin ng kanyang kinakasama noong Martes ng gabi sa Naga City, Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. 


Bangkay na nang matagpuan si Alma Nacional sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Barangay San Felipe ng nasabing lungsod. Patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng Naga PNP para sa agarang pagdakip sa kinakasama nito na isa ring most wanted person sa Bicol region.


Sa ulat ng pulisya, alas-siyete ng gabi noong Martes nang makarinig ng sunud-sunod na putok si Roy Alba, may-ari ng inuupahang bahay ng mag-live-in partner at matapos ang ilang minuto ay nakita niyang umalis ng bahay ang suspek.


Nang silipin nito ang paupahang bahay ay laking gulat niya nang makitang wala ng buhay na biktima na may tatlong tama ng bala sa noo, katawan at dibdib kaya agad niya itong iniulat sa himpilan ng barangay na siyang humingi ng responde sa Naga PNP.


Sa imbestigasyon ng pulisya, bukod sa pagpatay ng suspek na sadyang hindi muna inilabas ang pagkakakilanlan sa kanyang kinakasama ay patung-patong din ang kaso nito at kabilang sa mga most wanted person sa Bicol region.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.8359
Bahrain Dinar 121.564
Euro 59.6973
HK Dollar 5.90137
Japan Yen 0.520740
Saudi Riyal 12.2217
S’pore Dollar 33.6188
Taiwan Dollar 1.43185
UAE Dirham 12.4820
UK Pound 71.5355
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section