|
“MONET…” halos bulong ni Enrico sa hubo’t hubad nang dalaga. Paano ba niya iiwasan ang maganda at seksing babae na laging handang magbigay sa kanyang pangangailangan bilang lalaki?
Lalo pa nga at ngayo’y uhaw na toro ang katulad ni Enrico. Naghahanap ng maiinumang batis.

Si Monet ang batis na may malinaw na tubig. Tinabihan na niya ang dalagang walang saplot kahit kapiraso.
“This is wrong, ikaw ang talo…”
Umiling si Monet. “Ako ay tea cup na handang sumahod, Enrico. Ikaw ang tea kettle na magsasalin. Sa ating dalawa ay ikaw ang mababawasan. Kung gayo’y ikaw ang…manghihina pagkatapos; ako ay mapupuno, sisigla.”
“Sisigla rin ako kahit mababawasan,” nakangiting bulong ni Enrico, tuluyan nang hinaplos ang mga dapat haplusin; hinawakan ang nais hawakan.
Napaigtad si Monet. Napapikit at napaungol.
Saglit pa ay nasa mainit na silang bahagi ng romansa. Nais sumalit ang babaing tunay na mahal ni Enrico.
“P-pasensiya na, my love. Dala lang ito ng pangangailangan…”
Buong akala naman ni Monet ay siya ang tinutukoy na ‘my love’ ni Enrico, lalo pa tuloy naging mainit at mapagbigay. Panay ang bulong sa binatang katalik. “Just do it, lover boy.”
“Init lang ito, my love. Ang tunay na pag-ibig ko ay sa iyo lamang…” parang baliw na bulong ng binata, palapit na sa point of no return.
Naguluhan na si Monet, nagduda. “A-Ako ba ang kinakausap mo…?”
Ungol ang naging tugon ni Enrico. Ilang saglit pa ay tahimik na siya, nakaraos na.
Hindi rin nagtagal at naginhawahan na rin si Monet; pinaalpas na ang pagnanasa sa lalaking minamahal kahit hindi nagmamahal.
Saka lamang nakapagtanong si Monet. Nakahimlay na sila sa kama, magkatabing nakahiga.
“Sino ang kinakausap mo kanina, Enrico? I’m sure hindi ako…”
Nagsikap umiwas ng binata. “Importante pa ba ‘yon?”
Bumuntunghinga ang dalaga. “I think Yes, mahalaga iyon, Enrico. Masyado na akong nag-i-invest ng pagmamahal. Ngayo’y naging creative pa ako. I did a striptease for you…”
Tinakpan ni Enrico ang nakabuyangyang pa ring kabuuan ni Monet. Wala na siyang ganang uminom sa batis; mamaya siguro uli.
“Sino siya?” tanong ng dalaga.
“Isang babaing hindi ko inakalang seseryosohin ko. Ngayon lang ako nagkaganito sa opposite sex.
Totoo pala ang…pag-ibig,” matapat na sabi ni Enrico.
“Hindi mo ako nagawang mahalin; iyon naman pala ay iibig ka sa iba?”
“Pinilit kong kamuhian siya. Noong araw ay kinawawa ko siya, ginawang alipin. Pero nakialam ang langit, umiibig na ako nang totohanan sa kanya, Monet.”
Tahimik nang lumuluha si Monet. “Putang amang babaing ‘yon! Ano bang meron siya na wala ako?
Mas malaki ba ang kuwan? Mas masabaw?”
Tinakpan ni Enrico ang bulgar na bibig ni Monet. (ITUTULOY)
|