Ilang araw pa lang matapos manumpa bilang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, feeling high profile na politician kung umasta ang isang neophyte partylist congressman.
Ito’y dahil saan man siya magpunta sa loob ng Kamara, laging kabuntot niya ang tatlong body guards na todo-bigay ang proteksyon sa kanya.
Ayon kay Mang Teban, kahit na magpunta sa rest room ang bagitong mambabatas, nakasunod din ang mga bata nito gayundin sa paglabas nito.
Nang minsang magpunta sa press center para makilala ang mga House reporters, nakabuntot din ang mga tatlong sikyu nito na feeling hari ang kanilang binabantayan.
Ang ipinagtataka ni Mang Teban, pawang mga macho at makinis ang mga kutis ng napiling security officers ng partylist congressman na ito.
Nakita pa ng mga reporters na nakikipagtsikahan ang kongresista sa kanyang mga security sa loob ng CR habang umiihi kaya naman may duda si Mang Teban sa sexuality ng nasabing kongresista.
Pintahan niyo na: Sa unang tingin, akala mo macho ang kongresistang ito subalit boses babae naman kung magsalita.
|