| ENTERTAINMENT |
- JOJO GABINETE: Bagong ‘lalaki’ ni Jean Garcia, yummy!
- ALFIE LORENZO: Efren Peñaflorida, naghahanap ng mga bagong bayani
- REY PUMALOY: Rhian, kinikilig sa ‘paramdam’ ni Aljur!
- Cristine at Ara, ‘di pa rin bayad sa US show
- Jackie Rice, hindi na raw lasengga!
- Francine, hindi pa in love kay Bobby Yan!
- James, loyal na loyal pa rin kay Kris
- TV Patrol, mapapanood na sa internet
- Paulo, depressed nang manganak si LJ sa New York
- Nicole Hyala, enjoy magluto
|
BAD boy ang role ni Paulo Avelino sa Ilumina at siya ang nagkusa na baguhin ang kanyang hairstyle para maging kapani-paniwala ang karakter niya sa bagong fantaserye ng GMA 7.
Inspirado si Paulo na magtrabaho dahil tatay na siya.
Excited na rin siya na makita nang personal ang anak nila ni LJ Reyes na isinilang sa New York, pero hindi masabi ni Paulo kung kailan dahil sa mga papeles na dapat ayusin para makabalik ng Pilipinas ang kanyang mag-ina.
Ethan Akio ang pangalan ng baby boy nina Paulo at LJ. Halos araw-araw na nakikita ni Paulo ang kanyang anak sa pamamagitan ng webcam at sa mga litrato ng bata na ipinadadala ni LJ.
“Pag-uusapan pa namin,” ang sagot ni Paulo nang itanong namin kung may plano na sila ni LJ na magpakasal alang-alang sa kanilang anak.
Oo naman ang kanyang sagot sa tanong kung naiisip ba niya na si LJ ang babae na makakasama niya habang buhay.
***
Foreigner ang current inspiration ni Jean Garcia pero tumanggi ito na sabihin ang pangalan ng lalake dahil baka maudlot ang kanilang “special friendship”.
Hindi maipagkakaila na inspired si Jean dahil kinikilig ito sa presscon ng Ilumina habang sinasagot ang mga personal na tanong ng mga reporter tungkol sa kanyang lovelife.
“At this time, meron akong nakilala. Parang gusto ko siya. Huwag n’yo nang tanungin ang taon.
“May mga manliligaw (sa akin) pero ito, kailan ko lang nakilala.
Parang merong something. Parang kinikilig lang ako. Bago lang ito.
“Sa akin, hindi importante ang edad. Ang importante sa akin, ‘yung makakasundo ko talaga.
“He’s a good man. Maganda ang prinsipyo niya sa buhay.
Maganda ‘yung pinagdaanan niya sa life niya kaya parang pareho kami. Saka mabait talaga. He’s so nice,” ang kinikilig na kuwento ni Jean na nagsabi na aksidente lang ang kanilang pagkikita.
“Aksidente lang. I went to this place. He was there. Lumapit siya sa amin. Tapos nagpakilala.”
Kung si Jean ang tatanungin, mas gusto niya na “non-showbiz” ang kanyang maging boyfriend, pagkatapos ng relasyon nila ni Polo Ravales.
“Opinyon ko lang ito, hindi ko alam sa iba. May mga relationship na nagwo-work sa parehong artista, merong hindi nagwo-work talaga.
“Ako naman, sa experiences ko sa mga relationship ko with mga kasamahan ko sa trabaho, much better kasi walang competition. Hindi masyadong involved sa business mo.
“Kapag non-showbiz kasi, hindi masyadong nangingialam. Hindi masyadong apektado sa mga nangyayari sa’yo.
“Kung ako ang papipiliin, kung lang ha? Sana foreigner, wala silang pakialam kung artista ka o hindi. It doesn’t matter. What matter is you the person. Not the actress.”
Dahil sa sinabi ni Jean, nahulaan ng kanyang mga kausap na foreigner ang current inspiration niya.
“Foreigner siya. Hindi siya matanda sa akin... Yummy... Single siya... Mabait siya talaga. Gusto ko siya bilang inspiration.”
***
Just recently, rumampa si Jean sa Sexiest Women in the Philippines event ng FHM kaya napag-usapan ang matagal nang panliligaw ng FHM staff sa kanyang anak na si Jennica para maging cover girl ng sikat na men’s magazine.
Malawak ang pang-unawa ni Jean. Payag siya na mag-pose ng sexy sa FHM si Jennica pero ito ang ayaw.
“Actually, nililigawan na siya pero nang tinanong ko siya, ayaw niya. Pero desisyon niya ‘yan, hindi ako makikialam.
“Kung gawin man niya o hindi niya gawin, okey lang. Hindi naman siya magbo-bold. Saka napaka-prestigious ng FHM. Hindi naman sila baboy eh.
“Kapag artista, maganda ‘yung mga concept nila. Actually, aminin natin, ang mga nag-cover sa FHM na mga baguhan natin (na artista), mga sikat ngayon.”
Medyo natigilan si Jean nang tanungin ito kung boyfriend na ni Jennica ang aktor na si Alwyn Uytingco dahil hangga’t maaari, ayaw raw niya na makialam sa lovelife ng kanyang panganay.
“Tinanong n’yo na ba siya? Ayokong pangunahan (siya ). Pumupunta si Alwyn sa bahay. Oo, nakikita ko siya dumadalaw siya sa house kasi open naman kami. ‘Yung sa akin lang, palagi kong sinasabi kay Jennica na kapag may nakita ako na hindi maganda, saka ako magre-react pero hangga’t wala akong nakikitang ikasasama mo, wala kang maririnig sa akin,” sey ni Jean.
|