THURSDAY, JULY 29, 2010 ARCHIVES ABOUT US

MEGALOTTO 6/45 DRAW
JULY 28, 2010

02-23-06-31-29-44
P39,669,354.00

4-DIGIT 3-6-7-2

1:30PM SUERTRES 8-7-7
5PM SUERTRES 6-2-1
9PM SUERTRES 1-6-4

EZ-2 2PM
07-25

EZ-2 5PM
16-13

EZ-2 9PM
12-26

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

25-14-10-52-13-20
P79,019,370.00

 
CRIME STORIES
Killer ng PLM medicine stude, bumulagta
(Juliet de Loza)

Nasawi ang panguna­hing suspek habang naaresto ang dalawa pa sa pagpatay at pagholdap sa medicine student ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos manlaban sa kanyang escort na pulis habang pabiyahe papuntang Ospital ng Maynila (OSMA) para sa medical check-up kahapon ng madaling-araw sa harap ng Manila Police District-Police Station 1.

Magkatuwang na iniimbestigahan ng mga tauhan ng homicide section at SOCO Team ng Manila Police District, ang lumutang na bangkay ng isang lalaki sa may Sevilla Bridge sa V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila. Walang nakuhang pagkakakilanlan sa bangkay at kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito. (Carlito Arenas)


Nagtamo ng bala sa katawan si Kenneth Capili, 21, ex-convict at residente ng Nazareno St. Tondo ng nasabing lungsod at hindi na umabot ng buhay sa OSMA.


Ayon kay P/Supt. Rodolfo Magtibay, director ng Manila Police District (MPD), ala-una ng madaling-araw nang mangyari ang insidente habang dadalhin na ng mga tauhan ni P/Supt. Roderick Mariano sa OSMA ang suspek para sa medical check-up nang bigla itong mang-agaw ng baril kaya napilitang barilin ni PO1 Rommel Fajardo.


Ipinrisinta naman sa mamamahayag ni Manila Mayor Alfredo Lim ang dalawa pang suspek na si Justin Bautista, 21, HRM student sa Lyceum of the Philippines University, at taga-820 Jose Basa St., Tondo at Jojo, 16, 4th year high school student sa PCCr at residente ng Katamanan St., Tondo.


Narekober sa mga suspek ang cellphone at kagamitan ng biktimang si Roxan Musngi, na hinoldap at pinatay ng mga suspek noong Hulyo 24, dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa may Del Fierro St., Tondo.


Gayundin ang kulay itim na Honda XRM 125 na motorsiklo na may plate number 8770 NN na ginamit sa panghoholdap sa biktima.


Una umanong naaresto ng mga tauhan ng PS 1 at District Special Project Unit (DSPU) sa pangu­nguna ni Chief Insp. Nicolas Pinon ang nasawing si Capili sa may Moriones, Tondo pagkatapos ay ikinanta nito ang kanyang mga kasamang sina Bautista at Jojo. Hindi alam nina Bautista at Jojo na naaresto na si Capili kaya nang tawagan sila para magkita sa Jollibee, Tayuman, doon na naaresto ang dalawa dakong alas-kuwatro ng hapon.


Samantala, iniutos naman ni Lim ang pagpapalaya kay Michael Baylon, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, ng 1606 Quiricada St., Sta. Cruz, ng nasabing lungsod, na unang inaresto ng mga tauhan ni Mariano matapos makakuha ng impormas­yon na si Baylon umano ang sumaksak at nakapatay kay Musngi.


Kaugnay nito, tuluyan ng isinasara ni Magtibay ang kaso dahil positibo sila na ang tatlong nadakip ang responsable sa pagpaslang kay Musngi.


Inihahanda na ng MPD-homicide section ang pagsasampa ng kasong robbery with homicide sa mga naarestong suspek.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 45.8359
Bahrain Dinar 121.564
Euro 59.6973
HK Dollar 5.90137
Japan Yen 0.520740
Saudi Riyal 12.2217
S’pore Dollar 33.6188
Taiwan Dollar 1.43185
UAE Dirham 12.4820
UK Pound 71.5355
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section