GABAY NG DIYOS

Presidentiable napikon sa pagiging mukhang kabayo


Hindi pa man nagsisimula ang mainitang bakbakan sa entablado, kaagad nagkapikunan ang dalawang pulitikong naghahangad ng bendisyon bilang presidentiable at vice presidentiable sa 2010 national election.


Sa halip mairita, halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban matapos madiskubreng napikon ang isang presidentiable sa pagbibiro ng kasamahang vice presidentiable sa organisasyon, partikular ang alegasyong ‘dark horse’ sa 2010 election ito.


Sa isang pagtitipon ng mga local officials, katulad ng mga municipal, tuma­yong guest speaker ang vice presidentiable kung saan idinaan sa pagbibiro ang pagbibigay-pugay sa presidentiable, gamit ang katagang ‘dark horse’.


Dahil ordinaryo sa tainga ng mgal local officials ang katagang ‘dark horse’, walang umintindi sa pagbibiro ng vice presidentiable kaya’t biglang nagpreno at ipinaliwanag ang gustong puntuhan nito.


Sa sumbong na nakarating sa presidentiable, ipinaliwanag umano ng vice presidentiable na ibig pakahulugan nito sa katagang ‘dark horse’, ang pagiging mukhang kabayo ng una, gamit ang katagang ‘Itanong n’yo kung bakit dark horse, hindi lang dark kundi mukha pang horse’ kung saan nagtawanan ang mga mayor na nasa loob ng hall.


Ang malaking pagkakamali ng presidentiable, merong sipsip sa kampo ng presidentiable at naiba ang kuwento kung kaya’t nag-aalimpuyos sa galit ang presidentiable nang mabalitaan ang pangbabaterya ng kasamahan sa organisasyon gayong simpleng biro lamang ito.


Pintahan n’yo na: Runaway winner sa vice presidential race ang vice pre­sidentiable kung ngayon ang eleksyon habang kulelat sa survey ang presidentiable kahit anong pag-iikot at pag-aampon ng munisipalidad ang gawin nito.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section