AGNO, Pangasinan --- Hindi na
umabot nang buhay sa pagamutan ang isang pulis matapos aksidenteng
mabaril ng kanyang partner na pulis habang nagpapatrulya sa bayang
ito kamakalawa ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, nagpapatrulya ang grupo ng mga
nabanggit sa kanilang lugar nang bigla umanong makalabit
ni PO1 Zaldy Cortez ang kanilang M16 armalite at tumama sa kasamahan
nitong pulis na si PO3 Joseph Abungan na nakasakay sa harapan
ng kanilang patrol car.
Isang tama sa likod na tumagos sa kanyang harapan ang
kumitil sa buhay ni Abungan habang kaagad na dinala sa pinaglilingkurang
himpilan ang nakabaril upang isailalim sa eksaminasyon
at imbestigasyon.
|