GABAY NG DIYOS

Frank medical mission sisilipin
(Grace Velasco)

 

Pinasisilip ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang hinggil sa muntik nang naunsyaming medical mission para sa mga nasalanta ng bagyong Frank sa Iloilo dahil sa umano’y pakikialam ng regional director ng Department of Health (DOH).


Ayon kay Gonzalez, dapat na imbestigahan ng DOH ang ginawa ni Dr. Lydia Depra Ramos, ang regional director ng DOH Western Visayas nang mistulang harangin nito ang medical mission ng Philippine Medical Association (PMA) sa nasabing lugar.


Diumano ay iginiit ni Ramos na kailangan munang magpaalam sa kanya ang mga organizer ng nasabing medical mission bago ituloy ito.


Iginiit ng Kalihim na ito ang unang pagkakata­on na nakaranas siya na kinailangan pang humingi ng permiso mula sa health authorities bago makapagsagawa ng relief operation.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section