www.abante-tonite.com
 
 
 

Pag-irap kay Katrina, itinanggi ni Rizza

(ROSE GARCIA)

 

LUMAKI ang isyu tungkol sa pang-iisnab at pang-iirap daw ni Rizza Santos kina Katrina Halili at Alyssa Alano.


Ayon sa kuwento, ngu­­miti raw ang dalawa sa magkaibang pagkakataon kay Rizza, pero umirap lang ang da­ting PBB housemate na replacement kay Marian Rivera sa pelikulang Dobol Trobol.


Kuwento ng publicist ng Viva Artist Agency na si Duds Santiago, nang tawagan niya si Rizza para tanungin sa naturang isyu ay wala raw natatandaan si Rizza na may ganoong insidenteng naganap.


Hindi raw ngumiti sa kanya si Katrina o si Alyssa. Kung sakali man, bakit daw iirapan ni Rizza ang dalawa?


Ang totoo pa raw n’yan, may ugali si Rizza na nakikipagkilala kapag may mga bagong nakakasama.


Sa FHM event daw na ‘yun, nakipagkilala si Rizza sa ilang EB Babes, at kina Hazel Mendoza at Alessandra de Rossi.


Kilala raw ni Rizza kung sino si Katrina. May nag-suggest daw sa kanya na panoorin ang launching movie nito. Bumili raw si Rizza ng original copy ng movie ni Katrina na Gigil.


Pagdating kay Alyssa, ayaw sabihin ni Rizza ang mga salitang “I don’t know her” dahil napansin niyang iba ang interpretasyon sa Pilipinas kapag sinabihan ng “I don’t know her.”


“I don’t have any idea who she is,” ang sagot ni Rizza patungkol kay Alyssa.


After may mga nag­la­basan na sinasabing inis­nab niya ang dalawa, agad daw nag-search sa internet si Rizza about Alyssa.


Natandaan daw ni Riz­za na nakita niya ang sexy-comedienne sa comfort room.


Hindi raw niya ito inirapan.


Five minutes lang daw halos ang inilagi ni Rizza sa comfort room at sa loob ng minutong ‘yun, she was then facing the wall dahil may inaa­yos sa likod ng damit niya.


Maging ang mga kasama ni Rizza that time ay nagtataka raw sa naglalabasang articles against Rizza.


Wala raw silang napansin na may ganoong insidente sa pagitan ni Rizza at ng dalawang Kapuso stars.


Posible raw na may naka-misinterpret lang ng pagiging tahimik ni Rizza.


Hindi raw porke at tahimik ang isang tao ay suplada na.


***


Nagulat si Ehra Madrigal sa pagpataw ng demanda ni Congressman Benny Abante sa FHM dahil sa pagi­ging ob­scene at por­nographic daw nito.


Twice na­ging cover si Ehra ng FHM at sa mga naging picto­rial niya, wala raw siyang makitang naging malaswa o pornographic ang dating ng kanyang mga kuha.


“Hindi ko mako-consider na bastos ang hitsura ng FHM. Iniisip lang nila na bastos kapag nag­hubad or mayroong sexy pictures.


“But if you compare ‘yung magazines natin sa magazines sa abroad, kahit sa movies na lang, ang daming bawal, hindi ba?


“Kung ipagku-compare mo, tame ang sa atin at hindi malaswa. Marami akong nakikitang mas grabe na mga magazine at hindi mga local ma­gazine iyon.


“May mga standard pa rin tayo na sinusunod. Kung obscene ang FHM, hindi na sana ako puma­yag na magpa-cover, ‘di ba?” sey ni Ehra, na isa sa sexy girls ng TV series na Codename: Asero.


Para kay Ehra, maraming mas importanteng gawin ang mga pulitiko kesa ang makialam sila sa mga magazine.


May krisis ang Pilipinas ngayon at mas magandang pagtuunan ng pansin ay ang ekonomiya at hindi ang mga magazine tulad ng FHM.


“Sana, iba na lang ang asikasuhin nila, ‘di ba? Hindi ‘yung gusto nilang ipatanggal ang mga maga­zine.


“Kasi parang ang dami pang ibang issues na mas kailangang pag-usapan at ayusin.


“Tsaka may department naman na tumiti­ngin sa mga magazines tulad ng FHM. May mga strict rules sila and the fact na nabebenta pa ang FHM sa mga bookstores, it means na maayos at wala silang nilalabag na rules.


“At depende ‘yan sa models nila. Tulad ko, never akong nag-all the way sa cover at hindi ko gagawin iyon. ‘Yung tamang sexy lang.


“Hindi malaswang tingnan at may artistic taste ang mga tao na kinukuha nila to make the cover.”


Hindi raw exploited ang pakiramdam ni Ehra noong maging cover girl siya ng naturang magazine.


“The magazine is very decent at kung ang pakay nila is to exploit women, sana matagal na silang nireklamo ng mga models.


“Eh marami ngang mga celebrities na tulad ko na gustong maging cover ng FHM.


Mala­king achievement iyong maimbita ka to be on the cover, ‘di ba?”

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section