www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

DIRECT SELLING
Dahil sa mataas na upa sa puwesto sa palengke at kaliwa’t kanang lagay naman sa mga bangketa, minabuti ng mga mangingisdang ito na sa Baywalk na lang sa Roxas Blvd. ibalandra ang kanilang mga huli. Mas mura nga naman nila itong naibibigay sa mga mamimili. (Leo Suguitan)

HINDI ABORTION ANG FAMILY PLANNING!
Nina BERNARD TAGUINOD, JUN TADIOS at ROSE MIRANDA

 

Nilinaw kahapon ng mga mambabatas na nagsusulong ng Reproductive Health Bill na hindi pro-abortion o nag-eendorso ng aborsyon ang naturang panukala.


Sinabi pa ni Iloilo Rep. Janette Garin na propaganda lamang umano ng Simbahang Katoliko ang naturang insinuwasyon upang mabigyan ng katwiran ang labis nilang pagtutol dito.


“Kahit ako, I’m not supporting any move to legalize abortion. I am against abortion,” pahayag ni Garin bagkus ang layunin lamang ng kanilang panukala ay bigyan ng tamang edukasyon ang mga mahihirap kung papaano magplano ng pamilya.


Ramdam aniya ng mga lider ng Simbahang Katoliko na suportado ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap, ang kanilang panukala dahil alam na ng mga ito ang epekto ng napakaraming anak.


“Majority of our people, gustong magplano ng pamilya. Pero ang problema they don’t know how to do it, where to start at walang suporta silang nakukuha sa gobyerno, that’s why we come out of this bill,” ani Garin.


“We want to educate our people on family planning. There was no provision on our consolidated bill that we allow abortion,” dagdag pa ng lady solon.


Aminado si Garin na isinusulong nila ang paggamit ng contraceptives tulad ng condom at pills para makontrol ang pagbubuntis ng mga babae subalit hindi ito nangangahulugan na pro-abortion umano ito.


“This is completely untrue (legalisasyon ng abortion). On the contrary, a rational and comprehensive national policy on family planning, which includes contraceptive use, reduces significantly the rate of abortion as documented by international studies. Consequently, there is no need to legalize abortion if there is an increased usage of modern and effective contraceptives,” paliwanag naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing awtor ng nasabing panukala.


Matagal na anilang napatunayan na hindi epektibo ang natural method na siyang isinusulong ng Simbahang Katoliko kaya panahon na umano para sa makabagong pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.


“’Yung natural method okey din ‘yun but its not guarantee na hindi mabubuntis ang babae. Most of the time, natatamaan pa rin ang babae dahil nagkamali sila ng bilang kapag gumagamit sila ng calendar method,” dugtong pa ni Garin na isang practicing doctor.


Sa katunayan, sa mga Catholic countries tulad ng Guatemala, Chile, Colombia, Dominican Republic, El Salvador, Honduras, Nicaragua, Peru, Venezuela, Paraguay, Ireland at Malta ay pinapayagan na ang kanilang mamamayan na gumamit nito upang makontrol ang kanilang pag-anak.


Kahirapan kakambal ng paglobo ng populasyon


Nasa pagitan ng 88 hanggang 92 milyon na ang populasyon ng Pilipinas kaya hindi anila nakapagtataka na lalong lumalala ang kahirapan sa bansa dahil walang kontrol ang pagdami ng tao.


“In the next 10 to 20 years, more than 100 million na ang populasyon natin.

Dumarami ang mga tao pero hindi lumalaki ang lupa na pinagtataniman ng pagkain. It’s not just the corruption in the government why poverty is getting worst, it’s because of the huge population we have,” paliwanag ni Garin.


Sinabi naman ni Lagman na marami ng pag-aaral ang lumabas ang populasyon ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit lumalala ang kahirapan sa ibang bansa at kasunod na lamang nito ang corruption.


Aborsyon, resulta ng kamangmangan sa family planning


Ayon pa kay Garin, isa sa mga dahilan kung bakit lumalala ang abortion sa Pilipinas ay dahil sa kawalan ng edukasyon ng mga Filipino sa family planning.


Mas nalulubog, aniya, sa kasalanan sa Diyos ang mga kababaihan na naglalaglag ng sanggol sa kanilang sinapupunan kaysa sa paggamit ng contraceptive para makaiwas sa pagbubuntis.


“’Yung mga itinatapon na mga baby sa condo building, ‘yung itinapon sa taxi, ‘yung inilaglag sa kanal, mas kasalanan ‘yun kaysa paggamit ng modern contraceptive,” ani Garin.


“We really need to educate them. Not encourage them to do it (sex without marriage) but letting them know the risk to have an unwanted babies and how it will affect their health and their future and future of their babies,” dagdag pa ni Garin.


Walang eksaktong datos si Garin kung ilan ang namamatay na nanay sa pagpapa-abort subalit marami umanong nangyayari sa Pilipinas na hindi lamang naire-report.


“Death rate because of unwanted pregnancies and giving birth due to lack of education was getting worst,” ayon pa kay Garin.


“Medical science shows that the side effects of pills are minimal, if ever. Family planning saves lives. One-third of all maternal deaths can be prevented by family planning. Unwanted pregnancies are more life-threatening to mothers and infants,” ayon naman kay Lagman.


Pressure ng Simbahan


Aminado si Garin na dahil din sa pressure ng Simbahang Katoliko, paliit ng paliit ang bilang ng mga congressmen na nagsusulong sa nasabing panukala.


“Dati we are more than 142 but nagde-decrease na. I don’t know why but maybe because of the pressure from the leader of the Catholic Church,” pagbubunyag ng lady solon.


Gutom, epekto rin ng lobong populasyon


Kahapon, ibinalandra ni Social Welfare Sec. Esperanza Cabral ang masamang population management ng bansa, dahilan kung bakit lumalala ang pagdami ng nagugutom na Filipino sa ngayon.


Dahil wala umanong seryosong pamantayan sa family planning at reproductive health, dagdag pa rito ang konserbatibong pananaw ng lipunan sa paggamit ng contraceptives, lalo lamang umanong nababaon sa kahirapan at kagutuman ang Pilipinas.


Sa panayam ng dzMM, ibinulalas ni Cabral ang totoong saloobin sa isyu ng birth control at ang kontrobersyal na reproductive health bill.


Habang todo-deny at iwas-pusoy ang Malacañang sa usapin ng reproductive health bill, tahasan naman ang paglantad ng suporta ng DSWD sa naturang panukala.


“Everything is related to population management, the government’s social welfare efforts cannot sustain a continuously growing Filipino population. The government’s social services will not reach them if their numbers continue to grow bigger,” depensa ni Cabral.


Palasyo naka-distansya pa rin


Bagama’t iginagalang ang posisyon ni Cabral, tiniyak kahapon ng Malacañang na hindi pa rin nababago ang polisiya ng Arroyo government na nakakiling sa posisyon ng Simbahang Katoliko sa usapin ng ‘responsible parenthood’ bilang pinakaepektibong paraan ng population management.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section