GABAY NG DIYOS

LBC nilimas ng kawatan
(Juliet de Loza/Aries Cano)

 

Sa loob lamang ng tatlo hanggang limang minuto ay walang kahirap-hirap na kinulimbat ng dalawang holdaper ang perang kinita ng sangay ng isang delive­ry company at maging ang celfone at personal na pera ng mga empleyado nito ay nilimas din sa Maynila kamakalawa.


Batay sa paunang pag-iimbestiga ni SPO2 Roberto Arbilo ng Manila Police District-Station 2, kabilang sa mga nabiktima na pawang empleyado ng LBC Express Inc. na may sangay sa 1294-A G. Masangkay St., Sta. Cruz, Maynila ay nakila­lang sina Rene Sebastian, 38; Allan Brub, 35, kapwa customer associate; Jonalyn Isidro, 27, remittance analyst at Ana Quiambao, 21.


Nabatid na dakong alas-11:20 ng umaga kahapon ng pasukin ng mga suspek ang puwesto ng naturang delivery company.


Mabilis umano ang kilos ng dalawang kawatan at kinuha ang cash box na naglalaman ng P24,440 na kinita ng nasabing sa­ngay ng LBC, maging ang celfone ng dalawang empleyado nito.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section