GABAY NG DIYOS

10 kabahayan natupok
(Armida Rico)

 

Sampung kabahaya­n ang tinupok ng apoy mata­pos gumuho ang nagbaba­gang bato at yero sa liku­rang bahagi ng nasusunog na gusali ng Welcome Pla­za Mall kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City.


Unang nabagsakan ng nagbabagang bato ang bahay ni Barangay Chairman Jimbo Palomares sa Decena St., malapit sa kanto ng Celedonia St., dakong alas-3:40 ng mada­ling-araw na naging sanhi upang lumagablab ang apoy at tumupok sa mga katabi pang kabahayan sa naturang lugar.


Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog dahil sa maagap na paghahanda ng mga naninirahan sa likurang bahagi ang naturang mall matapos magsimulang magbaga ang mga bato habang nasa kasagsagan ang apoy na tumutupok sa loob ng malaking apat na palapag na gusali.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section