GABAY NG DIYOS

PISTON leader inambus

Ni JB Salarzon

 

Bago pa man maigiya ang mga kasamahan para sa gagawing tigil-pasada sa buong bansa, pinagbabaril ng dalawang hindi nakikilalang salarin ang isang lider ng PISTON-Bicol sa tapat ng isang gasolinahan kahapon ng umaga sa Daraga, Albay.


Kinilala ng Daraga police ang biktimang si Joel Ascutia, may-asawa, na sumasailalim ngayon sa operasyon sa Bicol re­gional Training and Teaching Hospital.


Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Ascutia ang pampasahero nitong jeepney at pagtapat nito sa may Petron ay sinabayan ng riding-in-tandem at binaril ng ilang beses sa katawan. Naganap ang ambus dakong alas-4:20 ng umaga. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng 9mm pistol.


Agad namang kinondena ni George San Mateo, secretary general ng PISTON, ang pagpaslang kay Ascutia at nanawagan sa Daraga police sa agarang pagdakip sa tumakas na suspek.


“Mariing kinokondena ng PISTON ang ganitong klase ng karahasan laban sa aming hanay. Kung sinuman ang may kagagawan nito ay dapat niyang panagutan. Sinisiguro naman na ang karahasang ito sa aming kasamahan at lider na si Ascutia ay hindi maging hadlang para mas lalo pa naming paigtingin ang aming pagtatanggol sa aming mga karapatan sa sektor ng pampublikong transportasyon,” ani San Mateo.


Kahapon inilunsad ng PISTON at mga kaalyado nitong iba’t ibang organisasyon ang malawakang tigil-pasada sa Metro Manila at mga pangunahing lalawigan sa bansa upang kalampagin at kondenahin ang umano’y hindi makatarungang pagtaas na presyo ng langis. (W/ Bell Desolo)


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section