SA
July 20 gaganapin ang dedication ng anak nina Claudine Barretto
at Raymart Santiago na si Santino.
Bongga ang dedication na gaganapin sa Blue Leaf, The Fort, dahil
star studded ang mga ninong at ninang, na pangungunahan nina
Robin Padilla, Edu Manzano, Kris Aquino, Piolo Pascual, Diether
Ocampo at marami pang iba.
Wala pa raw silang plano ni Raymart kung paano nila ise-celebrate
ang kanilang birthday sa July 19. Puwede raw silang mag-stay na
lang sa isang hotel, kasama ang mga anak nilang sina Sabina at Santino.
O kaya ay magpunta sa Palawan para magbakasyon.
Anyway, wala pa ngang kasiguraduhan ang lahat, pero naniniwala si
Claudine na may bonggang surpresa sa kanya si Raymart sa araw na
‘yon, na kinasasabikan niya. Tulad daw nu’ng Father’s
Day, na kung saan ay nag-check in daw sila sa isang Hotel, at namasyal.
Sobrang blessed ngayong July si Claudine, dahil magkakasunod daw
ang mahahalagang okasyon sa buhay niya. At ipalalabas pa ang bago
niyang teleserye na Iisa Pa Lamang sa ABS-CBN, kasama sina Ms. Susan
Roces, Gabby Concepcion, Cherry Pie Picache, Diether Ocampo, Laurice
Guillen, Joel Torre, Melissa Ricks, Matt Evans, at marami pang iba.
Base sa trailer na napanood namin, mukhang bonggang-bongga ang dramahan
ng mga artista.
Ano nga pala ang birthday wish ni Claudine?
“Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako magwi-wish kasi ang dami-dami
na ring ibinibigay sa akin ng Diyos. Pero, isa na lang ang wish
ko, ang good health for Raymart, Sabina at Santino.”
Magti-29 na nga pala si Claudine at mati-35 naman si Raymart.
Anyway, ibinalita ni Claudine na ang triathlon ang kinahihiligan
ngayon ni Raymart. Busy raw si Raymart sa larong ‘yon, habang
naghihintay pa ito ng bagong project sa GMA 7.
Sabi ni Claudine, nakapag-ipon daw ang kanyang mister, kaya kahit
hindi ito magtrabaho ngayon, kaya pa rin silang buhayin nito.
“Ganun kasi si Raymart, na kapag meron siyang nagustuhan,
doon siya nagpu-focus. So, habang wala pa siyang project, doon muna
siya nagku-concentrate. At naka-focus din kami sa Bantay Bata.
“Kapag tahimik si Raymart, alam kong may niluluto siyang malaki!
Let’s wait na lang. Malalaman din ninyo kung ano ‘yon,”
say na lang ni Claudine.
|