Nautas ang isang prominenteng negosyanteng Tsinoy
nang bistayin ng hinihinalang assassins ng rebeldeng New People’s
Army sa Placer, Masbate.
Mga tama ng bala sa dibdib at tiyan ang tumapos sa buhay ni Salvador
Ching y Go, 46, taga-Bgy. Katipunan, Placer sa nabanggit na probinsya.
Sa ulat kahapon sa Camp Crame, pauwi na umano kamakalawa ng hapon
ang biktima kasama ang tatlo katao kabilang ang 21-anyos na anak
na si Kim Ching buhat sa isang sabungan sa may Bgy. Gahit, Cataingan
nang masiraan ng makina ang minamaniobrang van.
Habang itinutulak ang natenggang sasakyan, bigla na lamang
umanong sumulpot ang 2 nakamotorsiklong suspek at nang makalapit
ay pinaulanan na ng bala ang negosyante.
Namatay noon din si Ching habang kaagad namang tumakas ang mga salarin.
|