www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Recto sa NEDA
(Rose Miranda/Rey Marfil)


Kinumpirma kahapon ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 project task force chief Mike Defensor na iuupo si dating Senador Ralph Recto bilang Director-General ng National Economic and Development Authority (NEDA).


Sa panayam ng himpilang dzMM sinabi ni Defensor na ito ang impormasyong hawak niya lalo na’t acting NEDA chief lamang umano si Augusto Santos.


“Sa pagkakaalam ko si Senator Recto ay ilalagay sa NEDA dahil acting lang si Augusto Santos,” ani Defensor.


Nang kunin ang reaksyon ng Malacañang, sinabi sa phone interview ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na wala pa silang kumpirmasyon hinggil dito.


Matatandaang magkasama sina Defensor at Recto sa senatorial slate ng administrasyon noong 2007 elections ngunit kapwa hindi pinalad na manalo ang mga ito.


Nauna nang itinalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Defensor sa NAIA Terminal 3 Task Force at si dating Senador Vicente Sotto bilang pinuno ng Dangerous Drugs Board habang matunog naman ang balita na iuupo si dating Senador Tessie Aquino-Oreta bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section