www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

EX-ENVOY MAY PANANAGUTAN SA RP
(Noel Abuel)


May pananagutan si dating UN Envoy Lauro Baja sa paglabag sa qualified trafficking sa ilalim ng RA 9208 sa sandaling magpasya ang overseas Filipino worker na sinasabing inabuso ng pamilya nito na magsampa ng hiwalay na kaso sa Pilipinas.


Ito ang sinabi ni Gabriela Women’s Party Rep. Liza Maza kasabay ng pagsasabing handang suportahan ng mga kababaihan ang laban ni Marichu Baoanan.


Ayon kay Maza, na siya ring primary author ng Anti-Trafficking in Persons Act in 2003 na sinumang public officials na mapatunayang sangkot sa kaso ng trafficking ay maaaring sampahan ng qualified trafficking na may karampatang hatol mula pagkakakulong ng habambuhay at may multa rin mula P2,000,000 hanggang P5,000,000.


“It is disturbing that a Philippine ambassador, no less than the head of the Philippine Mission to the United Nations and a former president of the UN Security Council, is now being accused of trafficking, when he should be setting the standards for the compensation and treatment of Filipina workers,” giit pa ni Maza.


Sa kabila umano ng pagtanggi ni Baja sa akusasyon ng Pinay OFW ay malaking katanungan din umano kung bakit sumasahod lamang ito ng $200 kada buwan sa kabila ng ang minimum wage sa bansang Amerika ay $5.85 kada oras kung saan itinatakda sa $300-500 ang suweldo ng mga Filipina domestic workers.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section