www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Beteranong solon, nagmumurang-kamias


 

Nagmumurang kamias ang isang beteranong kongresista dahil parang bata ito na kinikilig dahil tinutukso siya sa isa sa kanyang kasamahang babae sa Mababang Kapulungan ng Kongreso as in dine-develop sila bilang “magsyota”.


Ang hindi lang kagandahan dito, ayon kay Mang Teban, kapwa may pananagutan sa buhay ang kongresista at ang lady solon na itinutukso sa kanya ng kanilang mga kasamahan sa Kongreso.


Nagsimula ang tuksuhan nang malimit na makitang magkasama ang dalawa sa mga lakaran na sila lamang dalawa at dahil kilalang matulis noong kanyang kapanahunan kung saan pati asawa ng kumpare ay kinatalo, marami ang naghihinala na sila ay magsyota na.


Nang bumalik ang mga mambabatas sa kanilang trabaho mula sa mahigit isa’t kalahating buwang bakasyon, tinukso ng tinukso ng kanyang mga kasamahan ang kongresista.


Sa halip na maasar, tila taas-noo pa ang mambabatas dahil pagkalipas ng maraming taon ay mayroong itinatambal sa kanya na babae kahit mayroon na siyang pananagutan sa buhay.


Mistulang ang pakiramdam ng mambabatas kapag tinutukso siya ay matinee idol dahil luma­labas na mayroon pa siyang asim kahit lolong-lolo na ang kanyang dating.


Pero habang ang ngiti ay abot tenga, dumedepensa rin ang mokong at sinasabing tinutulungan lamang daw niya ang babae pero halatang kinkilig.


Pintahan niyo na: Magkalapit lamang ng distrito ang dalawa bagama’t magkaibang lungsod ang kanilang kinakatawan sa Kongreso.


Kung taga-Metro Manila sila o hindi, ayaw kong sabihin basta may letrang B sa kanilang pangalan.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section