|
DUMATING kahapon,
(6:20 am) mula sa San Francisco, California si Gretchen Barretto at
ang kanyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco.
Nakunan ng crew ng
Showbiz Central ang pagdating ng controversial couple.
Inoperahan sa
lalamunan si Tonyboy sa Stanford Hospital, kaya nakasakay siya sa
wheel chair nang dumating siya kahapon sa Centennial Airport.
Hindi nagkaroon
ng pagkakataon ang TV crew na mainterbyu ang businessman, dahil
napapaligiran siya ng kanyang mga bodyguard.
Hindi rin nakaiwas si
Gretchen sa TV crew, kaya napilitan siya na magsalita tungkol sa
kalagayan ni Tonyboy habang naglalakad siya patungo sa kanilang
sasakyan.
Ayon sa mga
eyewitness, matagal bago lumabas si Gretchen sa arrival area, dahil
nalaman nito na naghihintay sa kanya ang television crew.
Mapapanood sa Showbiz
Central sa darating na Linggo ang mga pangyayari sa pagbabalik nina
Gretchen at Tonyboy sa Pilipinas.
Ang Stanford Hospital
& Clinics ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na
ospital sa Amerika. Ito ang resulta ng research namin sa Internet
tungkol sa ospital na pinuntahan nina Gretchen at Tonyboy:
Stanford Hospital
& Clinics is known worldwide for advanced patient care provided
by its physicians and staff, particularly for the treatment of rare,
complex disorders in areas such as: Cardiac care, Cancer treatment,
Neurosciences Surgery, Organ transplants.
Every year, U.S. News
& World Report identifies the top hospitals in 16 specialties in
the United States. Stanford Hospital & Clinics is recognized as
one of "America’s Best Hospitals" and currently ranked
#13 in the U.S.
***
Mamayang gabi na ang
big concert ni Christina Aguilera sa open field ng The Fort at
inaasahan na manonood ang mga sikat na celebrity sa ating bansa.
Isa si Sarah Geronimo
sa mga gustung-gusto na manood ng concert ni Christina dahil idol
niya ang sikat na singer.
Sinabi namin kay
Sarah na dapat niyang mapanood ang concert ni Christina para
makakuha siya ng mga idea na magagamit niya sa Sarah Geronimo In
Motion, ang kanyang major concert, sa July 14 sa Araneta Coliseum.
Besides, bihira ang pagkakataon na mapapanood niya sa sariling bayan
ang isang sikat na singer na gaya ni Christina.
Isa lang ang problema
ni Sarah. Mahal daw ang presyo ng ticket kaya hindi sigurado ang
presence niya sa concert ng kanyang hinahangaan na singer.
Kayang-kaya ni Sarah
na bumili ng mahal na ticket, pero umiiral ang kanyang katipiran at
pagiging wise-spender.
Hindi kami magtataka
kung may magmamagandang-loob na magbigay ng libreng ticket kay Sarah
para makapunta siya mamaya sa concert ni Christina.
***
Required si Sarah na
magpahinga, isang araw bago ang kanyang concert. Iniiwasan niya na
magsalita bilang pag-aalaga sa kanyang boses.
Umiinom din siya ng
dalawang klase ng gamot para sa lalamunan niya, isang Chinese
medicine at Throat Coat.
Very effective daw
ang Throat Coat dahil ito ang iniinom ni Regine Velasquez. Hanggang
ngayon, hinahangaan si Regine ni Sarah na tumanggi na magbigay ng
opinyon sa relasyon ng kanyang idolo kay Ogie Alcasid.
***
Comments are
welcome at jojogabinete@yahoo.com |