GABAY NG DIYOS

Batangas kampeon sa Baseball Philippines

 

Dinurog ng Batangas Bulls ang Manila Sharks, 12-2, para makumpleto ang kanilang pagwalis sa best-of-3 Baseball Philippines Series 5 finals sa Rizal Memorial baseball stadium kahapon.


Pinagpag ni Bulls pitcher Vladimir Eguia ang anim na batters at nagpalagpas lamang ng limang hits habang ang mga hitters ng Batangas ay pinaulanan ng 16 hits sina Manila pitchers Mick Natividad at Christian Galedo para iuwi ang kanilang ikalawang kampeonato.


Nakopo pa ng 20-anyos na si Eguia, ang naging susi sa 13-4 panalo ng Bulls sa opener noong isang linggo, ang finals MVP at best pitcher award.
Isinara ng title sweep ang kampanya ng Batangas sa torneo sa naipanalong 13 sa 14 sinalangang laban para makamit ang korona, kabilang ang 10-game sweep sa classification round at tagumpay kontra Cebu Dolphins sa Final Four.


Samantala, tumanggap din ng award sina Alabang player Jay Laurel (best hitter at most RBI maker), ang teammate at utol niyang si Matt Laurel ang home run king sa naitalang anim na homers sa torneo, Dumaguete clouter Saxon Omandac (most stolen bases) habang si Jojo Abaa ang best umpire.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section